^

PSN Showbiz

Derek hindi makalimutan nang tawaging daddy ng anak

- Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hinding-hindi makalilimutan ni Derek Ramsay noong unang beses na narinig niyang tinawag siyang ‘dad’ ng kanyang anak na lalaki na si Austin. Nangyari raw ito noong nakaraang Pasko lamang.

Anak ng aktor si Austin sa dating karelasyon na si Mary Christine Jolly. “It broke my heart,” bungad ni Derek. “I took him to watch my movie and he was very proud. When the fans came up to me and ask for pictures, he’d be like, ‘That’s my dad, that’s my dad,” nakangiting kwento ng aktor.

Sa ngayon ay nakabase si Austin sa Dubai sa pangangalaga ng ina nito. Kapag may pagkakataon ay hindi raw pinalalampas ni Derek na makapag-bonding sila ng anak. “We took off to Palawan and do what Ramsays do. Stay under the sun, jump into the ocean, do crazy things where you can hurt yourself. And I was like, ‘Okay, this is my son,” pahayag ni Derek.

Samantala, sa ngayon ay ang modelo na si Joanne Villablanca ang kasintahan ng aktor. Ayon kay Derek ay hindi raw selosa ang bagong karelasyon dahil naiintindihan ng dalaga ang kanyang trabaho. “Before we got into this relationship, she knew what my line of work is and we talked about it, and said, ‘I don’t want to get into this relationship if we are going to bring this up again. I don’t want to sound selfish but I will guarantee you that the love that I have is only for you.’” pagtatapos ng aktor.

Janella may chance ma-in love kay Elmo

Kamakailan ay nagkahiwalay na sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Nadadawit ngayon si Janella Salvador sa hiwalayan ng dating magkasintahan. Matatandaang si Janella ang naging katambal ni Elmo sa teleseryeng Born For You na nagtapos kamakailan. Mas madalas daw kasing magkasama sina Elmo at Janella mula nang lumipat sa ABS-CBN ang aktor. “Ang reaction ko diyan, wala. Kasi as long as I know na wala naman akong ginawang masama. I’d rather stay out of that because I’m not involved naman,” giit ni Janella.

Ikinalungkot daw ng aktres nang mabalitaan ang tungkol sa hiwalayan nina Elmo at Janine. “Of course I do feel bad. But I’m always going to be here for Elmo, Siyempre more for Elmo because he’s my friend,” pagtatapat ni Janella.

Nakahandang makinig ang dalaga kay Elmo kung sakali mang magkwento ang aktor tungkol sa kanila ni Janine. “If I have to comfort, I’m going to be here for him naman,” dagdag ni Janella.

May posibilidad kaya na magustuhan ng aktres si Elmo kung sakali mang ligawan siya ng aktor? “Tingnan natin. He’s very caring as a friend, he will always think of others din,” makahulugang sagot ng dalaga.

vuukle comment

DEREK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with