^

PSN Showbiz

Pag-aresto kay Pia dahil sa droga, peke!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pag-aresto kay Pia dahil sa droga, peke!
Pia Alonzo Wurtzbach

Mabilis na klinaro ng manager ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach na peke ang balitang lumabas na naaresto umano si Pia sa Kuala Lumpur, Malaysia dahil sa 10 kg. na cocaine sa maleta nito.

Ayon kay Esther Swan, hindi nagpupunta si Pia sa Malaysia dahil abala ito sa maraming trabaho sa Miss U. Kagagaling lang nito ng Panama para sa coronation ng Miss U sa nasabing bansa.

“Not sure who the young woman is in this news post, but I hope help comes her way. Miss Universe, Pia Wurtzbach, has never been to Malaysia and has been working in the States for the past week.”  

Sa lahat nga naman ng isyu bakit naman sa droga pa ginawan ng kuwento si Pia?

Ang laki-laki pa naman ng headline ng isang website tungkol sa pekeng balita kay Pia.

Kung babasahin mo ang nasabing item, parang maniniwala ka. Eh sa social media pa naman maraming madaling maniwala. Without verifying the facts, nagsi-share sila ng mga balita.
Sa kaso nung kay Pia, nakasaad sa pekeng balita na nakahalo diumano sa bags of coffee ang nasabing droga.

Buti na lang at maagap ang Miss Universe handler ni Pia.

Julio buhay na buhay, kapatid lang sa ama ang namatay

May isang tumawag kahapon at ibinalitang patay na raw ang actor na si Julio Diaz na kamakailan ay naoperahan at nanghingi pa nga ng tulong.

Pero hindi nagtagal ay binawi ng nagbalita ang kanyang kuwento.

Hindi pa raw pala patay si Julio. Buhay na buhay. Kapatid daw pala sa ama na kapangalan ng actor ang sumakabilang buhay.

Ang kumalat na kuwento ay base lang sa tweet ng kapatid din sa ama ni Julio. “To all my family members, our bother, Mariano Jun Regaliza just passed away due to cardiac arrest. He was 55 years old.”

Ang buong akala ng lahat si Julio ang namatay dahil nga kapangalan.

Pero mabilis daw itong pinabulaanan ni Julio sa mga tumawag sa kanyang mga kaibigan. Buhay na buhay siya at naging abala sa kakasagot ng santambak na tanong kung totoong namatay na nga siya ayon sa isang nakausap ng aktor.

Sam YG apat na ang restaurant

Hindi naman pala totoong ikakasal na ang TV and radio host na si Sam YG sa girlfriend niyang si Joyce Pring. Kumalat kasi kamakailan na ikakasal na sila na ang mismong nagbalita sa social media ay ang kaibigan at co-host sa radio program na Boys Night Out.

Goodtime lang daw ‘yun ng kanyang kaibigang si Tony Tony.

Pero hindi niya itinatanggi ang relasyon sa kapwa DJ.

Anyway, may bagong TV show ngayon si Sam, ang Vintage Trip.

Magta-travel si Sam across the country para maghanap ng mga most interesting vintage finds kasama ang unique story ng mga kagamitang luma.

Ayon kay Sam, first time na may ganitong konsepto sa programa sa TV kung saan makikita ang mga lumang kagamitan na ang akala nating lahat ay wala nang ganun.

Mapapanood ito every Saturday starting October 29, 11:30 a.m. to 12:00 noon.

Biro ni Sam, kailangan daw niya ito dahil hindi na uso ang 5-6. Hahaha. Tumatak na ang pagiging Bumbay ni Sam na nagpapa-5-6 dahil sa programang Eat Bulaga. Eh ngayon, sinabi ng pamahalaan na tatargetin na nila ang mga may ganitong negosyo.

Pero ‘wag ka, kahit tumatak siya sa ganyang ‘negosyo’ apat na ang restaurant na pag-aari ni Sam kasama ang mga kaibigan, ang Backyard.  Tinutulungan pa niya ang kanyang mommy sa Indian restaurant nito.

Please follow me on Twitter and Instagram: @salveasis

 

vuukle comment

PIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with