^

PSN Showbiz

Denise Laurel itinaon sa panalo ng Ginebra ang pag-e-emote

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sa hiwalayan din napunta ang relasyon ng Kapamilya singer-actress na si Denise Laurel at fiancé nitong cager na si Sol (Solomon) Mercado, ang popular forward player ng Ginebra San Miguel. Sina Denise at Sol ay na­ging engaged couple in 2013 at balak na sana nilang magpakasal sa taong ito. Marami siyempre ang nanghinayang dahil tumagal ang kanilang relasyon ng apat na taon at very close si Sol sa five-year-old son ni Denise na si Alejandro.

May mga nagsasabi na si Denise umano ang nakipag-break kay Sol at siya pa ang nagbalita ng kanilang break-up sa kanyang Twitter account na itinaon sa pagdiriwang ng team ni Sol na champion sa PBA last October 20.

Isoli kaya ni Denise ang two-ca­rat diamond ring na bigay sa kanya ni Sol nang ito’y mag-propose sa kanya in 2013?

Kasalan at hiwalayan in na in

Kung uso ang hiwalayan among show­biz couples, tuluy-tuloy pa rin ang pag­papakasal ng ibang celebrity couples tulad na lamang nina Rufa Mae Quinto at Trevor Magallanes na nakatakdang ikasal on November 25 sa isa pang undisclosed place.

Sa buwan naman ng Dis­yembre ikakasal ang Kapamilya actress na si Kaye Abad sa businessman at da­ting Pinoy Big Brother (PBB) housemate-turned actor na si Paul Jake Castillo na gaganapin sa hometown ng huli sa Cebu City.

Early next year naman nakatakdang ikasal (sa ikalawang pagkakataon) ang Kapuso actress-TV host at na­ka­babatang kapatid ng ac­tor-dancer na si John Prats na si Camille Prats sa non-showbiz at US-based fiancé nitong si John “VJ” Yambao.

vuukle comment

DENISE LAUREL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with