^

PSN Showbiz

Diether parang burado na sa showbiz

LIFE'S ESSENCE - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Diether parang burado na sa showbiz
Diether Ocampo

Hindi namin regular na napapanood sa primetime TV series na Magpahanggang Wakas na tinatampukan nina Je­richo Rosales, John Estrada at Arci Muñoz pero the few times na ito’y aming natiyempuhan ay sobra kaming nagaga­lingan sa acting nina Jericho at John at hindi rin nagpapahuli si Arci.

Nakakatuwa naman ang role ni Gelli de Belen bilang ex-wife ng character ni John na gustong paghigantihan ang mga taong naging sanhi ng paghihiwalay nilang mag-asawa.

Ang nakakatuwa, si John ay ex-husband ng nakatatandang kapatid ni Gelli na si Ja­nice de Belen.  Nagkatrabaho din noon sina Ja­nice at mister ni Gelli na si Ariel Rivera sa seryeng Ina, Kapatid, Anak bilang mag-asawa. Ipinapakita lamang nila na pare-pareho silang professional pagdating sa trabaho.

Kung patuloy ang pagiging aktibo ni Jericho sa kanyang showbiz career, marami naman ang nagtataka kung nasaan na ang kapanabayan niyang si Diether Ocampo na tila nawawala ngayon.

Hindi na alam ng publiko kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon ni Diet.

Birthday ni Ai kakaiba this year

Lingid sa kaalaman ng marami, sa kabila ng pagiging komedyana ni AiAi delas Alas ay bukal sa puso nito ang patuloy na pananampa­lataya at sa pagtulong sa simbahan kaya si Bishop Antonio Tobias mismo ang nagpa-nominate kay AiAi (Martina Eileen delas Alas sa tunay na buhay) na ito’y magawaran ng pina­kamataas na Papal Award na magmumula mismo sa Santo Papa sa Vatican.

Hinding-hindi makakalimu­tan ni AiAi ang dara­ting niyang kaarawan dahil kakaibang regalo ang kanyang matatanggap na hindi kayang pantayan ng anumang award na kanyang natanggap na. Tiyak na magiging memorable kay AiAi ang nalalapit niyang kaarawan dahil hindi niya inaasahan ang sorpresa sa kanya ng Panginoong Diyos.

Hindi ikinakaila ni AiAi na marami din umano siyang kasalanan pero gusto niyang itama ang lahat sa pagsisimula na rin sa kanyang sarili.

Naniniwala rin si AiAi na may iba pang plano para sa kanya ang Diyos at susunod lamang daw siya sa kagustuhan Nito. Bukod kay Ai-Ai, tumanggap din ng Papal Award ang music icon na si Ryan Cayabyab dahil din sa marami nitong naiambag sa Simbahang Katolika sa pamamagitan ng kanyang musika.

vuukle comment

DIETHER OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with