^

PSN Showbiz

Dennis pinaghahandaan na ang kasal nila ni Jennylyn

IDAING MO KAY VANEZZA - Pilipino Star Ngayon

Kung si Jennylyn Mercado ay umiiwas na mapag-usapan ang relasyon nila ni Dennis Trillo, very open naman ang aktor sa kanyang damdamin sa napaka-abalang aktres.

Katunayan, sinabi ni Dennis na magagawa niyang hintayin ang anim na taon na hinihingi ni Jennylyn bago ito mag-asawa. Mas masaya na si Dennis dahil mapaghahandaan pa niya ang kung sakali ay magaganap nilang kasalan. Mas mapapaganda pa niya ang wedding nila at maging ang buhay may asawa na ibibigay niya rito.

Huwag natin kalilimutan na sa kanilang pag-aasawa ay agad na magiging dalawa ang anak ni Dennis na halos magkasing-gulang, ang anak niya kay Carlene Aguilar at ang anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia. La­laki ding bigla ang kanilang pamilya. Madaragdagan pa ang pamilya nila kapag nagkaroon sila ng sarili nilang anak.

Kristoffer at Joyce parang hindi rin naghiwalay

Lahat ng nakakakita sa dating magkarelasyon na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching na tatlong taon nang tinapos ang kanilang relasyon at ngayon ay binabalikan ang kanilang love team sa isang serye na papalit sa Sinungaling mong Puso, ang Hahamakin ang Lahat.

Walang maniniwalang magkatrabaho na lamang ngayon ang dalawa dahil maganda nilang nagagampanan ang kanilang mga role. Walang nakikitang pagkailang sa pagitan nila. Ex goals ang turing nila sa kanilang relasyon na parang magkaibigan lamang. Ito rin ang gustong i-build up sa kanilang dalawa ngayon ng GMA-7.

Maituturing ni Joyce na pinaka-seksi niya ang HAL. Bukod sa mga loves scenes nila ng kanyang ex ay makikita rin siyang magsuot ng two piece.

Kasama rin sa serye sina Ariel Rivera, Eula Valdez at Snooky Serna. Magsisimulang mapanood ang serye na nasa direksyon ni Don Michael Perez sa katapusan ng Oktubre.

Kapatid ni Ara, proud kay Sunshine

Walang inggit na nadarama si Ara Mina sa ka-close niyang si Sunshine Cruz na balitang-balita na nakikipag-mabutihan sa kanyang half brother na si Macky Mathay. Masaya na ang kanyang kaibigan at nakahanap na ng bagong love life kahit zero pa rin siya. Siya ang ugat sa pagkikilala ng dalawa. Hindi na niya pinagtatakhan kung nagkagustuhan ang dalawa sa kabila ng failure ng ka­nilang naunang marriages. Proud din siya na ang kanyang very private na brother ay nakitaan sa kanyang special account ng kanyang kasiyahan sa pagkakatagpo sa ex ni Cesar Montano na sinasabi niyang blessing para sa kanya katulad din ng kanyang mga anak.

Maraming lalaki would have chosen to keep quiet about their love affairs pero, hindi ang bagong lalaki sa buhay ni Sunshine. O, laban kayo?!

Ryza may nasungkit na big break

Baka ang role niya sa Ang Manananggal Sa Ubut 23b na proyekto ni Jun Lana ang suwerte na matagal nang hinihintay ni Ryza Cenon. Matagal na rin siyang Kapuso pero, ngayon lamang siya tala­gang bibida, at sa isang movie pa.

Marami na ring nagagampanang role si Ryza na maituturing na versatile dahil kaya niyang magbida at maging kontrabida.

Wala rin siyang reklamo kahit matagal na siyang naghihintay ng kanyang break.

vuukle comment

DENNIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with