^

PSN Showbiz

Pag-aresto sa adik na actor ipinagbunyi ng mga kapitpahay!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa halip na malungkot ay parang ipinagpasalamat pa ng mga kakomunidad lalo na ng kanilang mga kapitbahay ang hindi magandang nangyari sa isang male personality.

Matagal na pala kasing malaking problema sa kanilang barangay ang male personality, naghahari-harian daw ang aktor sa kanilang lugar, kaya marami nang may gustong mawala siya nang tuluyan.

Kuwento ng isang source na alam ang mga nagaganap sa buhay ng male personality, “Nu’n pa dapat nangyari ito, matagal na siyang pinoproblema sa lugar nila, dahil sumosobra na siya kapag nakagamit ng droga.

“’Yun na kasi ang naging ikot ng buhay niya, ilang taon na siyang ganyan, war freak ang taong ‘yun! Kapag trip niyang mang-away, kahit mga estudyanteng dumadaan sa tapat nila, inuupakan niya nang walang dahilan.

“Ganu’n siya palagi, puro bisyo lang ang inaatupag niya, sayang na sayang nga ang mga pagkakataong ibinibigay sa kanya ng network na pinagseserbisyuhan niya,” kuwento ng impormante.

Hiniwalayan na rin pala ng kanyang karelasyon ang aktor dahil hindi na nito natagalan ang sobrang bigat ng kanyang mga kamay. Nananakit diumano ang aktor kapag binabasag ang kanyang trip.

“Matagal na nagtiis ang babae sa pag-asang one day, e, magbabago rin siya. Pero hindi naman siya nagbago, nagbago lang siya ng pagkukunan ng droga!

“Laman siya ng kalye, nakahubad pa nga siya na parang ipinagmamalaki ang katawan niya, e, ang laki-laki naman ng tiyan niya! Buti nga at nabasyo na rin siya, it’s about time, marami na siyang pinahihirapan dahil sa pagbibisyo niya,” napapailing pang komento ng source.

Ubos!

Kris parang nawalan ng suwerong bumubuhay!

May isang kaibigang naghalintulad sa sitwasyon ni Kris Aquino ngayon sa nobelang The Sun Shines Down. Ngayon pa lang kasi naiisip ni Kris na masyado niyang pinagtiwalaan ang kanyang kapasidad bilang TV host.

Aminado si Kris na akala niya’y hindi siya mawawalan ng espasyo sa dalawampung taon niyang itinuring na tahanan ng kanyang karera, ang ABS-CBN, na ilang buwan na ang nakararaan ay literal na nagsarado ng pintuan para sa kanya.

“Para siyang nakaupo sa rocking chair ngayon, gumagalaw-galaw ‘yun, pero hindi naman umaandar palayo,” makahulugan pang komento ng aming kaibigan.

Tama ang analisasyon ni Kris na naging stupid siya. Inakala niya na hindi siya pababayaang umalis ng mga tagapamuno ng network, pero nagkamali siya, hinayaan na siya ay hindi pa siya hinabol.

Napakasakit nu’n sa pride ni Kiris Aquino. Si Kris, na kapag nalalamang mababa ang rating ng kanyang show ay hindi na mapakali, mainit na ang ulo niya at parang pasan na niya ang daigdig.

Hindi kasi siya sanay sa pagkabigo. Sa usapin lang naman ng pakikipagrelasyon palaging bigo si Kris, pero sa kanyang career ay ngayon lang siya nakatikim ng kawalan ng halaga, kaya ang pakiramdam niya ngayon ay wala na siyang saysay sa mundo.

Matalino si Kris, alam niya ang katotohanan na lahat ng nasa itaas ay maaa­ring bumaba, kung paanong ang nasa ilalim ay may malaking posibilidad na lumundag paitaas.

Pero sobrang sakit ng nangyari sa kanya. Naging palalo siya. Akala siguro ni Kris ay loob ng bahay nila ang ABS-CBN na kahit ano’ng gusto niya ay nasusunod. Kahit mali na ay tama pa rin siya.

Huling komento ng kaibigan namin, “It’s not feast everyday. There’s also rocky roads. You might think the world belongs to you all the time, but at the end of the day, the sun shines down.”

Na kay Kris Aquino na ang lahat ng mga materyal na bagay sa mundo nga­yon pero hindi pa rin siya maligaya. Nawala kasi sa kanya ang entablado na parang suwerong bumubuhay at kumukumpleto sa kanyang pagkatao.

vuukle comment

ADIK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with