^

PSN Showbiz

Angel patay na patay sa mata ni James

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angel patay na patay sa mata ni James
Sinabi ni Nonile Arile sa padinig ng Committee on Justice na ang aktres na si Rosanna “Osang” Roces ay mayroon umanong relasyon sa drug lord na si Vicente Sy, kung san labas pasok ito sa NBP at iba pang starlet.
STAR/File photo

Masayang-masaya si Angel Aquino dahil napabilang siya sa cast ng teleser­yeng Till I Met You na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at James Reid. Ayon kay Angel ay talagang napahanga siya sa JaDine sa pagi­ging professional ng dalawa. “They’re such professionals. I can see that they’re very tired, especially when we were in Greece, because they were working ‘til the wee hours of the morning, to the wee hours of the night. Then would have to be up again at 7 a.m. to be ready for the next day. It’s tiring, I don’t know how they do it,” nakangiting pahayag ni Angel.

Aminado rin ang aktres na matagal na niyang crush si James. “They’re like the hottest people in town talaga. I have a crush on the boy. Kaya nga yata ako nakasama dito kasi I was very open to Miss Kylie (Manalo, Business Unit Head). I said, ‘Miss Kylie, please let me meet naman James Reid.’ I love his eyes, I think he has the s­exiest and most charming eyes,” pagtatapat ni Angel.

Yen pinaghahandaan ang love scene nila ni Papa P

Kamakailan ay nag-shooting para sa isang pelikula sina Piolo Pascual at Yen Santos sa New Zealand. Ito ang kauna-unahang pagtatambal ng dalawa sa proyekto at ayon kay Yen ay talagang nahihirapan siya sa trabaho sa tuwing kaeksena si Piolo. “Hirap po ako. Nadi-distract talaga ako sa sobrang gwapo niya. Siyempre nakaka-star struck dahil siyempre Piolo Pascual ‘yon. Before naman kami nag-shoot, hindi kami nagkaroon ng bonding na makapag-usap. Talagang nagkita kami sa shoot na, naninibago ako,” natatawang kuwento ni Yen.

Hindi raw matitigan ng dalaga ang aktor dahil sa sobrang ka­gwapuhan nito. “Nahirapan ako, sobrang guwapo niya. Hindi ko siya matingnan no’ng first and second shooting day namin. May mga eksena kami, nakailang takes ‘yon dahil hindi ako makatingin sa kanya. Pero siyempre sabi ko kailangang kayanin,” dag­dag ni Yen.

Malaki ang pasasalamat ng dalaga kay Piolo dahil naging kumportable na siya sa tuwing kasama ang aktor. “As much as possible, ayaw niya na mailang ako. Ang taas ng tingin ko sa kanya, siya naman sobrang down to earth, napakabait po. Hinayaan niya na makilala ko siya para pagdating sa mga eksena, wala ng hiya at magagawa namin ‘yung mga eksena ng natural,” paliwanag ni Yen.

Sa mga susunod na araw ay nakatakdang kunan ang love scene ng dalawa kaya ngayon pa lamang ay kinakabahan na si Yen. “Ibang pressure. Sana pagdating ng eksena, hindi naman na namin gugustuhin na maraming takes. Siyempre with the help of our director din, sana magawa naman,” pagtatapos ng aktres.

vuukle comment

ROSANNA ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with