^

PSN Showbiz

Heart at Dennis kotang-kota na sa rami ng bed scenes

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakakatawa ang mga eksena nina Heart Evangelista at Dennis Trillo sa Juan Happy Love Story last Friday, lalo na ‘yung nasa bed sila at magha-honeymoon sana. Naalala namin ang nabanggit ni Heart sa presscon na ‘pag may ganu’n silang eksena ni Dennis, lumalayo siya sa TV at kundi siya lumalayo ay nagtatakip ng mata.

Curious kaming malaman ang reaction ni Sen. Chiz Escudero sa bed scene ng asawa at sa maraming kissing scenes nina Heart at Dennis, nagtatakip din kaya siya ng mga mata?

Anyway, papasok na ang karakter ni Kim Domingo this week sa Juan Happy Love Story at siya ang pagseselosan ni Heart.

Samantala, tuloy ang pagpipinta ni Heart from bags to gowns to canvass at may collaboration with a make-up company pa siyang nabanggit.

Angel, Luis at Jessy, ginawan ng love triangle

Sinaway ni Angel Locsin ang netizen (hindi kami sure kung fan niya) na bina-bash sina Luis Manzano at Jessy Mendiola dahil nali-link ang dalawa ngayon. May netizen kasing galit kina Luis at Jessy at kung anu-ano ang pinost, kaya nag-post si Angel na ‘wag na lang mag-bash sa ibang artista dahil walang magandang idudulot ito.

Mas grabe ang isang netizen dahil pinabibisita nito si Angel sa kanyang blog para mabasa ang mga isyu kay Luis. Ang sagot ni Angel, “If that is true, buhay naman nya yan at who are we to judge. Pero kung tatanungin mo po ako, sa akin, he’s a gentleman at never naman akong nakarinig ng ganyan sa kanya. Ngayon po, gusto ko na pong ipagpatuloy ang pagmo-move on ko hehehe:).”

Sana nga makinig ang netizen sa pakiusap ni Angel para wala nang isyu.

Sabagay, hindi naman nila pinapatulan nina Luis at Jessy ang bashers.

Alden nagka-oras na sa paggawa ng album

Nagsimula nang mag-recording si Alden Richards ng second album niya sa GMA Records. Tila Say It Again ang unang track na ni-record ni Alden at sabi, una nang ni-record ito ni Marie Digby at bibigyan ng bagong version ni Alden.

Sa second album ni Alden, mapagbigyan na kaya ang maraming request na mag-duet sila ni Maine Mendoza? O ‘di kaya’y si Maine ang ipareha kay Alden sa music video na gagawin nito? Maganda sana ang duet ng AlDub para pang-promo na rin sa movie nilang Ima­gine You and Me.

Anyway, tinatapos pa ni Direk Mike Tuviera ang pelikula na hinihintay na ng AlDub fans. Mas tama yatang sa July 13 ang showing nito dahil mas malapit sa July 16 na anniversary ng AlDub love team at ng kalyeserye.

Alex binagayan si Joseph

Ipinahiram ng Star Magic at ABS-CBN sa Regal Films sina Alex Gonzaga at Joseph Marco dahil sila ang mga bida sa pelikulang My Rebound Girl. 

Sa picture na nakita namin sa social media, tila hawak na ng dalawa ang script for the said movie.

Ang hindi nabanggit ng Regal ay kung sino ang director, ang ibang kasama sa cast at kung kailan sisimulan ang shooting ng movie.

In fairness, bagay sina Alex at Joseph at natuwa ang kani-kaniyang fans na mapapanood sila sa pelikula.

vuukle comment

OPLAN RODY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with