^

PSN Showbiz

Jason insecure lang sa rami ng trabaho ni Melai

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa naman siguro dapat seryosohin ang napapabalitang pag-aaway ng mag-asawang Jason Francisco at Melai Cantiveros. Napa­kabago pa ng ka­nil­ang marriage para ito mauwi sa hi­walayan. Mapag-uusapan pa nila ang kanilang problema para hindi humantong sa hiwalayan. Hindi rin naman dapat maging resulta ito ng magandang takbo ng karera ni Melai kumpara sa karera ni Jason.

Anumang kakapusan ng kakayahan me­ron ang lalaki ay dapat hindi makaapekto sa samahan nilang mag-asawa. Dapat hindi makaramdam ng insecurity ang lalaki kung mas matagumpay man ang karir ng babae. Hindi man maging parehas ang trabaho nila, dapat parehas lang ang maging pagtanggap nila sa kapalarang ibinigay sa kanila ng buhay.

Mark sinusuwerte!

Maswerte na ring maituturing si Mark Herras dahil hindi siya nawawalan ng proyekto sa GMA. Pareho silang dalawa ng girlfriend niyang si Winwyn Marquez na bagaman at forte ang pagiging kontrabida sa mga pogramang kanyang nasasalihan ay bidang bida naman sa puso ng binata.

What was perceived by most as an impossible liaison ay magiging isa palang magandang samahan.

Kasama si Mark sa cast ng seryeng papalit sa Hang­­gang Makita Kang Muli na Sa Piling Ni Nanay kung saan magtatambal sila ni Yasmien Kur­di kasama sina Benjamin Alves, Katrina Halili at Bettina Carlos.

May isa pa siyang programa sa Kapuso na mapapanood tuwing Linggo, ang Conan My Beautician. Si Megan Young naman ang kapareha niya sa palabas na prodyus ng GMA News and Public Affairs at direk­syon ni Adolf Alix, Jr.

Carrot Man at Badjao Girl parang magkakapareho ng kapalaran

Malay nga natin, baka may nakalaang magandang bukas ang local showbiz para kina Carrot Man (Jeyrick Sigmaton) at Badjao Girl. Bagaman at may angking ganda rin ang babaeng taga-Minda­nao, setback ang pakakaroon niya ng pamilya’t anak. Unlike the man from the Mountain Province, binata ito at walang maaapektuhang mga anak kapag nagpursige ito sa kanyang pag-aartista.

Pamilya ang mabibiyayaan ng pagpupursige ni Bad­jao Girl at mga maliliit na anak na umaasa sa kanya. Hindi niya maaring iwan ang mga ito ng ma­tagal. Sana matulad din ang kapalaran niya kay Carrot Man, sana may magbigay din sa kanya ng break para maiiwas siya sa pamamalimos.

Gil Portes gustong tapatan si Direk Brillantes

Ang ganda naman ng titulo ng movie ng kaklase ko sa kolehiyo na si Gil Portes na Moonlight Over Baler. Balak nitong gawing kalahok ang pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Nagtatampok ito kay Vin Abrenica at tungkol sa isang Japanese pho­tojournalist na may malaking pagkakamukha sa isang sundalo na namatay bago maganap ang ka­sal nito. Ang pagkakahawig ng kabataang photo­gra­pher sa namatay na sundalo ang naging daan para magka­lapit sila ng babaeng sana ay pakaka­salan ng sundalo.

Nakuha ni Portes ang inspirasyon para gawin ang istorya sa kanyang ina na iniwan ng kanyang kasintahan para lumaban sa giyera. Hindi na ito naka­balik, pero minsan ay may nakita itong kaba­taang lalaki sa kanilang lugar na kamukhang-kamukha ng naging boyfriend niya. Malamang makalaban ito ng movie ni Brillante Mendoza sa MMFF na nanalo sa Cannes, ang Ma’ Rosa.

vuukle comment

ADONIS DUMPIT

CEBU CITY POLICE

TOMAS OSMEñA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with