^

PSN Showbiz

Sharon pinatunayang hindi na mabigat! Angelica relate na relate sa pagka-heartbroken ni Zsa Zsa

SEEN SCENE - Rosette Adel - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang live guesting kahapon ni Ogie Alcasid sa Sunday PinaSaya na hudyat ng dahan-dahan na pagbabalik niya sa GMA 7.

SCENE: Regular nang napapanood sa Sunday PinaSaya si Dean Mendoza, ang kapatid ni Maine Mendoza. Trying hard, hindi pleasant panoorin sa TV at walang future sa showbiz si Dean.

SEEN: Dalawang beses na umikot ang upuan ni Sharon Cuneta sa Season 3 ng The Voice Kids. Ang silya na ang “nagsabi” na hindi totoo na mabigat na mabigat si Sharon.

SCENE: Cute ang mga contestant ng The Voice Kids Season 3. Hindi nagpatalo si Sharon Cuneta dahil tinapatan niya ang pagpapa-cute ng mga bata.

SEEN: Nagsimula nang i-promote ng cast ng Encantadia 2016 sa mga mall ang kanilang telefantasya na magsisimula sa July 2016.

SCENE: Matumal ang likes sa Facebook page ng Kat de Castro for Department of Tourism Secretary. Mahihirapan ang administrator na makumpleto ang 1 million likes na kailangan nila para matupad ang pangarap ni De Castro na ma-appoint na DOT Secretary.

SEEN: May mga sinasabi pa rin sina Arnell Ignacio at Mocha Uson tungkol sa proklamasyon kay Congresswoman Leni Robredo bilang winner ng vice presidential race noong May 9, 2016. Hindi dapat makalimutan nina Arnell at Mocha na gaya ni President-elect Rodrigo Duterte, abogado at house representative rin si Robredo kaya may kakayahan ito na paglingkuran ang bayan.

SCENE: Kabilang si Angelica Panganiban sa mga naka-relate, nalungkot at naapektuhan ng pagkanta kahapon ni Zsa Zsa Padilla sa birthday presentation nito sa ASAP. Parehong heartbroken sina Angelica at Zsa Zsa dahil hiwalay na sila sa kanilang mga boyfriend.

vuukle comment

CONGRESS

HOUSE OF REPRESENTATIVES

PROCLAMATION

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

SENATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with