^

PSN Showbiz

Ay teh! Sa sobrang saya, aktor lumabas ang tunay na kulay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Shocked ang mga reporter na dumalo sa isang showbiz event dahil sumobra sa taas at tinis ang boses ng aktor na nakakuwentuhan nila.

Lihim na nagkatinginan ang mga reporter sa aktor na biglang nag-modulate ng boses dahil napansin din niya ang pagbabago sa kanyang pagsasalita.

Masama kasi kapag maligaya ang aktor dahil nawawala ito sa sarili at lumalabas ang tunay na personality.

Mag-asawang Pauleen at Vic dalawa agad ang TVC

Dalawa at hindi lamang isa ang mga TV commercial na gagawin ng mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto.

Hindi pa puwedeng sabihin ang name ng kanilang mga product endorsement pero si­guradong mapapanood natin sa mga susunod na araw ang mga television commercial nila.

Perfect na perfect ang pagsasama ng magdyowa at anak na lang ang kulang. Wish ko lang, mabuntis na si Pauleen para lalong tumibay ang pagmamahalan nila ni Bossing.

Rodney Juterte gustong patawirin sa EB!

May mga request na gawin ni Jose Manalo sa Eat Bulaga ang impersonation niya sa bagong halal na pangulo ng bansa na si Davao Mayor Rodrigo Duterte.

Ang tanong, papayag ba ang production staff ng Sunday PinaSaya na patawirin sa Eat Bulaga ang kinaaaliwan na karakter ni Rodney Juterte?

Hindi lamang ang impersonation ni Jose kay Papa Rody ang napansin dahil nakuha rin ni Simpleni ang atensyon ng manonood. Si Simpleni ang impersonator ni Atty. Leni Robredo na tumanggi na ikumpara siya kay former President Cory Aquino dahil maliban sa parehong biyuda, magkaibang-magkaiba raw sila.

Habang tumatagal, lumilitaw ang tunay na karakter ng original Leni dahil sa madalas na pagpapainterbyu niya sa mga miyembro ng media.

Cesar naulila sa ina

Nakikiramay ako at ang PSN (Pilipino Star NGAYON) staff kay Cesar Montano dahil sa pagkamatay ng kanyang Nanay Emma noong Martes.

Matagal nang may sakit ang ina ni Cesar at magkapisan sila sa bahay ng aktor sa Quezon City.

Si Cesar ang nagpapagamot sa kanyang ina, isang pruweba na mabuting anak ang aktor na pilit na sinisira sa social media ng ibang mga tao.

Ihahatid si Nanay Emma sa huling hantungan sa Linggo, May 22. Hinihintay ang pagdating sa Biyernes ng kanyang anak na si Marimer na manggagaling sa Italy. Nakalagak ang labi ng nanay ni Cesar sa Funeraria Paz sa Quezon City.

Lim hindi pa rin makapaniwalang natalo ni Erap

Hindi matanggap ni former Manila City Mayor Alfredo Lim na tinalo siya ni Mayor Joseph Estrada sa mayoralty race noong May 9.

Nag-file ng reklamo si Mayor Lim sa COMELEC at inakusahan niya ng vote-buying si Papa Erap na hindi naman natinag dahil wala raw katotohanan ang bintang laban sa kanya.

May plano rin ni Francis Zamora na magsampa ng protesta laban kay incumbent San Juan Mayor Guia Gomez pero hindi rin ito affected dahil naiproklama na siya bilang mayor ng bayan nila. Okey lang kay Mama Guia kung maghahain ng protesta ang nakalaban niya sa mayoralty race sa San Juan.

Sharon ayaw nang tigilan ang pagpapapayat

Naglilipat ako ng television channel nang matiyempuhan ko ang teaser ng bagong show ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN.

Nagulat ako dahil pumayat si Sharon kaya totoo at hindi basta tsismis na malaki na ang nabawas sa timbang niya.

Talagang seryoso si Sharon sa pagpapapayat dahil gaya ng kanyang sinabi, gustung-gusto na niya na makabalik sa leading lady status. Base sa hitsura ngayon ni Sharon, mangyayari ngayong 2016 ang kanyang balak na muling gumawa ng pelikula dahil sa pagpayat niya.

vuukle comment

SUPER TYPHOON YOLANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with