^

PSN Showbiz

Carla napurohan ang atay sa kaiinom ng maraming gamot!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tama ba ang nabasa naming post ni Carla Abellana sa IG na noong nagkasakit siya ng two weeks ay naging dull at yellow ang hitsura niya dahil sa iba’t ibang gamot na iniinom na nakaapekto sa kanyang liver?

Mabuti at gumaling na si Carla at itinigil ang pag-inom ng sari-saring gamot. Back to her old beautiful self si Carla ngayon at balik na sa trabaho.

Balik na rin siya sa taping ng Because Of You at Ismol Family.

Direk Jay at Dalin tuloy ang bangayan sa social media

Muling umingay ang isyu kina director Jay Al­tarejos at aktres na si Dalin Sarmiento dahil sa lumabas na interview ng direktor sa PEP na nag-try itong mag-reach out sa aktres noong New Year para sabihing pa­­re­ho silang nasaktan sa nang­­yaring gulo. Hindi raw sumagot si Dalin sa message ni direk Jay.

Ang sabi naman ni Dalin, hindi nag-reach out sa kanya si direk Jay at kinontra ang claim nito at nag-dare na i-post ang screenshot ng message nito sa kanya. Kompleto raw si direk Jay ng contact information niya.

Hindi rin daw totoo na ang issue sa kanila was resolved amicably. Hindi pa ginagawa ni direk Jay ang request niya na amining nasaktan siya off-cam na walang permit at kahit mag-issue ng public apology. Kasama rin sa request niya ang napag-usapang talent fee sa two shooting days na kanyang ginawa.

Si Atty. King Rodrigo, husband ni Boots Anson-Rodrigo ang lawyer ni Dalin sa pagpa-file niya ng administrative case laban kay direk Jay. Lumapit na rin si Dalin sa Gabriela at marami raw ang tumutulong sa kanya.

Hindi pa yata muling nagkakaharap sina direk Jay at Dalin mula nang mang­yari ang isyu sa kanila. Wala bang may balak na pagtagpuin sila para mag-usap nang personal at hindi sa social media nagsasagutan?

Kiray pakipot pa raw na ‘di tinatablan kay Derek

Marami na nga ang naiinggit kay Kiray Celis nang malamang may ki­ssing scene sila ni Derek Ramsay sa Regal Entertainment movie na Love Is Blind. Nadagdagan pa ito nang makita ang pinost nito sa Instagram (IG) na naka-swimsuit siya at niyayakap ni Derek.

May isa pang picture na buhat-buhat ni Derek si Kiray at parang hinahalikan. Bale ba ang mga caption ni Kiray sa pictures ay, “Wala akong magawa eh! Kasama sa trabaho ko eh! NYAHAHAHAHA! Konting harutan nila FE at Wade na dapat ninyong abangan”, at “Landian by the beach! BUWAHAHAHAHA.”

Bigay na bigay si Kiray sa mga eksena nila ni Derek, kaya walang naniwala sa sinabi nito sa presscon ng movie na hindi siya kinilig kay Derek dahil si Sam Milby ang type niya. Nagsisinunga­ling daw ito o kaya’y in denial pa.

Ang kabuuan ng mga eksenang ki­na­iing­gitan ng mga may crush at nagna­nasa kay Derek ay mapapanood na sa February 10. Si Jason Paul Laxamana ang director nito.

Born to be a Star nagsisimula nang maghanap ng bagong idi-discover

Nag-taping na para sa pilot episode ang Born to be a Star at ready na ang mga host na sina Ogie Alcasid at Yassi Pressman, at journey host na si Mark Bautista na maghanap ng bagong superstar. Of course, tutulong sa ka­­­nila ang judges na sina Pops Fernandez, An­­drew E, Rico Blanco, at Aiza Seguerra.

Sa February 6, na ang pilot ng Born to be a Star sa di­rec­tion ni Monti Parungao under Viva Communi­cations at TV5.

Sa studio ng TV5 sa Novaliches gi­nagawa ang taping at nakita naming maganda ang stage pati ang deliberation room ng judges. Ex­cited ang lahat sa taping at nakita namin sa picture na kasama ng hosts at judges sina Mr. Vic del Rosario at Veronique del Rosario-Corpus.

Ken Chan pinasaya ang mga senior na beki

Kabilang sa sumusubaybay sa Destiny Rose ang mga taga-Home for the Golden Gays at tuwang-tuwa ang mga beki na nakasama nila si Ken Chan sa isa sa birthday celebration nito. Masayang nagpakuha ng picture ang mga beki kasama ang bida ng transerye ng GMA 7.

Samantala, masaya ang buong cast at production staff dahil extended ng six weeks ang Destiny Rose.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DALIN

DEREK

DESTINY ROSE

JAY

KEN CHAN

KIRAY

MGA

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with