^

PSN Showbiz

Vic at Pauleen luhaan sa mensahe ng isa’t isa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Parehong naiyak sina Vic Sotto at Pauleen Luna nang magbigay ng message ilang oras bago ang kanilang kasal. Sabi ni Vic, ang pagsasama nila habang buhay ang wedding gift sa asawa, kasunod ang message na “thank you for loving me.”

Sinagot siya ni Pauleen ng, “Marami na rin tayong pinagdaanan, I’m just so blessed. I’m happy I found my home in you.”

Ipinasilip pala sa Eat Bulaga kahapon ang bahay nina Vic at Pauleen sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna. Hindi pa tapos ang bahay at isang buwan pa bago nila malipatan. After ng kasal kagabi, sa bahay ni Vic sa Ayala, Alabang titira si Pauleen bago sila makalipat sa bago nilang bahay.

Derek may hinahanap na kriminal

Walang takot na ni-repost ni Derek Ramsay ang post ni Cristine Babao tungkol sa isang wanted na criminal na nag-rape ng isang three-year-old girl. Ang tapang ni Derek sa post na “Let’s all help find this criminal.”

Ito dapat ang ginagawa ng mga celebrity, ginagamit din ang social media para makatulong sa pagsugpo ng krimen sa ating bansa. Go lang Derek at sana mahanap na yang criminal na yan.

Samantala, tuluy-tuloy ang promo nina Derek, Kiray Celis, Kean Cipriano at Solenn Heussaff sa movie nilang Love Is Blind na showing sa February 10. May mall shows sila para ipaalam ang showing ng nakatutuwa at masayang pelikula sa direction ni Jason Paul Laxamana.

Komedyanang si Boobsie pakakasal sa kapwa babae

Sa presscon ng Valetine’s Day concert na Panahon ng May Tama: ComiKilig natanong at kinumpirma ni Boobsie Wonderland, isa sa performer sa concert at isa sa sumisikat na comedienne ngayon na she’s getting married. Nakiusap lang ito na ‘wag na siyang usisain pa sa kanyang kasal.

Kahit sinabi ni Boobsie kung sino ang pakakasalan, siguradong maiintindihan ito ng press people at matatanggap. Bukas na ang isip ng entertainment press sa same-sex marriage, kaya hindi siya huhusgahan.

Nabanggit din ni Boobsie na okay sa kanya kung papipirmahin siya ng kontrata ng GMA 7, kung saan, mainstay siya ng Sunday PinaSaya at madalas mag-guest sa iba pang shows ng network.

Sa network, sina Andrew de Real at Allan K ang ilan sa pinasalamatan ni Boobsie sa magandang takbo ng career niya ngayon.

Anyway, kampante ang producer na si Joed Serrano na papatok sa tao ang Panahon Ng May Tama na more on comedy, comedy sketches, pero may kantahan pa rin. Tiniyak ng director na si Andrew de Real na hindi magsisisi ang mga bibili ng tiket para mapanood sina Boobsie, Gladys Guevarra, Papa Jack at Ate Gay. Magaganap sa Smart Araneta Coliseum ang concert.

Shy at Mark, magdi-date na

Hindi na siguro aawayin ng ToMiho fans nina Tommy Esguerra at Miho Nishida si Shy Carlos na na-bash nang sabi­hing dream leading man niya si Tommy. Sumugod sa Instagram (IG) ni Shy ang ToMiho fans at inaway-away siya. Pero ngayon, may Mark Neumann na siya na ka-love team sa Tasya Fantasya, hindi na aakusahang mang-aagaw ng love team si Shy.

Focus na raw siya sa love team nila ni Mark habang airing ang Tasya Fantasya na magsisimula sa February 6, 8p.m., sa TV5.

Maganda ang trailer ng Tasya Fanstasya sa direction ni Ricky Rivero, ke­ring-keri ni Shy ang role ng isang yaya at matinee idol naman ang dating ni Mark. Mas lalabas pa ang chemistry ng dala­wa ‘pag nakapag-bonding na sila na plano ni Mark. Dahil favorite ni Shy ang Japanese food, sa Japanese resto ang first date nila, saka manonood ng sine at marami pang pupuntahang lugar.

Open sina Mark at Shy na magka-developan sila dahil pareho silang single, young at attractive.

vuukle comment

ACIRC

ALLAN K

ANG

ATE GAY

BOOBSIE

BOOBSIE WONDERLAND

CRISTINE BABAO

DEREK

PAULEEN

SHY

TASYA FANTASYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with