^

PSN Showbiz

Matapos gatasan, female personality ipinagpalit ng basketbolista sa ibang babae

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Aktibo pa sa pag-arte ang female personality na bumibida sa kuwentong ito. Ang kanyang ex naman ay napapanood pa rin sa linya nito, machung-macho pa rin, pero may kani-kanyang pamilya na sila.

Ang female personality ay hindi masuwerte sa pakikipagrelasyon, meron siyang isang anak sa isang aktor din, pero ilang taon lang silang nagsama at sa hiwalayan din ‘yun nauwi.

Binalikan sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang nakaraang relasyon ng aktres at ng kanyang ex na atleta. Kasikatan nu’n ng kanyang ex, mara­ming babaeng nagpaparamdam sa lalaki, pero ang aktres ang nagtagumpay.

Kuwento ng aming source, “Nalukring-lukring si ____(pangalan ng magandang female personality) sa boyfriend niya. Literal na siya ang bumuhay sa guy. Siya ang nagbabayad sa condo, nagbabayad ng ilaw at tubig, siya rin ang naggo-grocery para sa guy.

“Pagkatapos niyang magtrabaho, tatakbo na agad si girl sa grocery, bibili na siya ng mga kailangan ng boyfriend niya, ni hindi na niya naaalala ang sarili niya, puro para sa lalaki ang binibili at iniintindi niya.

“Kumpleto sa gatas at kung anu-ano pang pagkain na pampalakas ng katawan ang binibili niya. Para na nga siyang dietician, alam na alam niya kung anu-anong pagkain ang kailangan ng karelasyon niya,” simulang kuwento ng aming impormante.

Heto na. Nakarating sa pamilya ng aktres ang ginagawa niyang paggastos sa lalaki, minamanmanan siya ng kanyang ina, huling-huli siyang nag-grocery at diretso nang dinala ang kanyang mga pinamili sa condo unit ng atleta.

“May palusot ang girl sa mommy niya. Sobrang busy raw kasi sa practice ang boyfriend niya, kaya siya na ang pinakiusapang mag-grocery. Pero kumustahin ang credit card ng girl, nasasagad ‘yun sa kabibili ng mga kailangan ng boyfriend niya.

“Sa wala rin nauwi ang relasyon nila. Minsan kasing dumalaw nang walang pasabi ang girl may nadatnan siyang ibang babae sa unit ng guy. User ang lalaki, nagpagamit naman ang girl,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

AiAi nagpakadakila kay Jiro

Kundi dakila ay hindi na namin alam kung ano’ng salita ang ikakambal namin sa ginawang pagpapahalaga ni AiAi delas Alas sa naging sitwasyon ni Jiro Manio.

Dakilang puso lang kasi ang makatutulong na walang hinihintay na kapalit, dakilang puso lang ang makapagbibigay ng malasakit at pagmamahal para sa isang taong hindi niya naman kaanu-ano, ‘yun mismo ang ginawa ng Comedy Concert Queen sa aktor na minsang naligaw ng landas.

Nu’ng nakaraang Lunes ay sinundo ni AiAi ang magaling na aktor sa wellness center na anim na buwan nitong naging pansamantalang tahanan. Maayos na ang katawan ni Jiro at ang pinakamahalaga, maganda na ang pananaw nito sa buhay, puwedeng-puwede nang magtrabaho.

“Kinausap ko siya nang masinsinan. Sabi ko sa kanya, e, huwag na para sa akin, para sa sarili na lang niyang kinabukasan, huwag na huwag na siyang babalik sa mga dahilan kung bakit siya nagkaganu’n,” pahayag ng komedyana.

Naging madali para kay AiAi ang lahat dahil sa suportang ibinigay sa kanya ng buo niyang pamilya. Nakasuporta rin kay Jiro ang mga anak niyang sina Sancho, Budang, Nicolo at ng kanyang karelasyong si Gerald Sibayan.

Hindi nga naman madaling tumulong kung may mga kumokontra sa kanyang mga galaw. Pero hindi na pala niya kailangang kausapin nang seryosohan ang kanyang mga anak at si Gerald, ang mga ito pa mismo ang nagsabi sa kanya na sige, maghawak-kamay sila para tulungan ang aktor.

Nawa’y maging makabuluhan ang kadakilaang ginawa ni AiAi delas Alas. Harinawang bigyan ng pagpapahalaga ni Jiro Manio ang mga pinagdaanang sakripisyo ng aktres para sa kanya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

COMEDY CONCERT QUEEN

GERALD SIBAYAN

JIRO

JIRO MANIO

KANYANG

MGA

NIYA

PARA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with