^

PSN Showbiz

Hindi sa showbiz, Pia Wurtzbach sa pulitika interesado

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Matapos ang kanyang termino bilang Miss Universe, kay Pia Wurtzbach mismo nangga­ling ang impormasyon na hilig niya ang pulitika. Kung ang mga nauna sa kanyang beauty queens, na­nalo man o hindi sa international competitions ay sa showbiz nalinya, maiiba sa kanilang lahat si Pia.

Kung sabagay, una nang nag-showbiz si Pia bago siya sumali sa mga beauty pageant.

Sa pabisita niya sa Senado para magbigay ng courtesy call sa kapulungan ay sinabi niyang pagkatapos ng kanyang reign as Miss Universe ay papasukin niya ang pulitika. Wala namang kumontra sa kanyang sinabi dahil malinaw naman sa mga naging sagot niya sa Q&A portion ng Miss U ay mayron siyang utak at may alam sa mara­ming isyu na kinakaharap ng kanyang  bansa. Isang taon niyang pangangatawanan ang kanyang trabaho bilang Miss U at sa loob ng panahong ito ay mas mapag-iisipan pa ni Pia kung talagang lalahok siya sa pulitika pagkatapos ng kanyang reign.

Kahit maldita, Angelica maraming natatanggap na suporta

Mapagtatanto ni Angelica Panganiban na sa kabila ng kan­yang kamalditahan na hindi niya ikinubli, marami pala siyang supporter na handa siyang damayan sa mga panahong malungkot siya. Masisiyahan siyang malaman na kung siya ay pinapanatili ang frienship nila ng nakahiwalayang si John Lloyd Cruz, ang supporters niya ay hindi. Galit sila sa aktor sa pakikipaghiwalay nito kay Angelica. Galit din sila sa babaeng inaakalang dahilan ng pang-iiwan ni JLC kay Angelica.

Angelica may have lost a great love, pero sa pamamagitan nito ay nabalik din sa kanya ang pagmamahal at tiwala ng maraming niya tagasubaybay na nagbibigay sa kanya ng words of encouragement.

Para hindi napupuna Erwan at Jasmine dapat makibagay sa kultura ng mga Pinoy

Kung okay lang sa kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis Smith at walang malisya ang photos nila ni Erwan Heussaff na magkayakap, hindi pabor ang karamihan sa Pilipino na nakakita nito sa kanyang Snapchat account. At marahil ay na-realize rin ito ni Jasmine kung kaya agad ay na-delete ang photos.

Maaaring sa foreigners ay wala namang masama rito, pero iba ang kultura ng mga taong naninirahan sa bansa na pinag­hahanapbuhayan nila. Kailangan lamang ay kaunting delicadeza para hindi sila mapulaan, kahit pa pare-pareho silang mga dayuhan.

Paulo walang binatbat kay James sa puso ni Nadine?

Kung tutuusin, hindi naman threat sa relas­yon nina Clark (James Reid) at Leah (Nadine Lustre) ang presence ni Simon (Paulo Avelino) sa seryeng On The Wings of Love na may tatlong linggo na lang sa ere.

Simula’t sapul ay talo na agad siya dahil mag-asawa na ang dalawa. Good job lamang ang maibibigay niya kay Lea kumpara sa whole package of love na handog ni Clark. He should have had the good sense to know where he stood kaysa naman pumasok sa isang laban na talo na agad siya. Tsk. Tsk. Tsk.

Tulad ni Alden Maine kailangan nang hanapan ng ibang raket

Na-threaten nga ba ang maraming mas nauna at mas sikat na tambalan sa biglang pagsalta ng AlDub? Marahil, pero hindi naman siguro sila sobrang na-insecure. O kita mo nga at hindi pa nalalaunan ay malaki ang nabawas sa ningning ng pheno­me­nal loveteam ng Eat Bulaga. Hindi ito ka­salanan ng dalawa, dahil lahat naman ng ipi­nagagawa sa kanila ay sinunod nila.

Ang mali ng mga nagpapatakbo ng kanilang career ay sinamantala ang kanilang kasikatan, pero hindi gumawa ng ni ano pa man para masustina ang kanilang popularidad. Tama na gawing eksklusibo sa EB sina Alden Richards at Maine Mendoza, pero dapat nilalaliman pa ang kanilang Kalyerserye. Hindi rin dapat nila itinutulak sa pader ang pareha at papaniwalain ang mga tagahanga nila na may maaasahan sila sa dalawa bukod sa friendship.

Maaring mas sikat ang Kapuso aktor kaysa sa Eat Bulaga disco­very kaya this early dapat ay nag-iisip na ang EB ng projects para sa kanya. Para hindi ito maiwan sa kangkungan kapag napipilitang maiwang mag-isa dahil sa napakaraming commitments ng ka-loveteam niya.

Jiro hindi dapat sayangin ang tulong ni AiAi

Inilabas na kahapon sa rehab ni AiAi delas Alas si Jiro Ma­nio. Magaling na magaling na raw ang dating child actor na excited nang mabalikan ang kanyang trabaho. Ang pangangalaga sa kanyang naging isang anak sa pelikula ang ikinagagalak ng maraming netizen.

Sa kabila ng kanyang kaabalahan sa trabaho ay talagang hindi niya pinabayaan si Jiro. At dito ay sinuportahan siya ng kanyang mga anak at maging ng boyfriend niya. Kaya dapat pangatawanan ni Jiro ang tuluyang pagbabago. Wala na siyang makikita pang ga­nito kagandang tulong na tulad ng ibinigay ni AiAi.

vuukle comment

ACIRC

ANG

EAT BULAGA

HINDI

JIRO

KANYANG

MGA

NBSP

NIYA

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with