^

PSN Showbiz

Nag-request ng hanggang tatlong retake! Andre nasarapan sa kissing scene nila ni Yassi

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May kissing scene sina Andre Paras at Yassi Pressman sa Viva Films movie na Girlfriend For Hire na showing sa February 10. Secret ang sagot ni Yassi nang tanungin tungkol dito, pero nadulas si director Vanessa de Leon, kaya nalaman ng press.

Sabi ni Andre, best day of his life nang kunan ang kissing scene nila ni Yassi at humirit pa ng “I just like it.” Ibinuking pa ni direk Vanessa na nag-request si Andre ng retake na ayon naman sa aktor, ginawa lang niya para mas mapaganda pa ang eksena. Naka-take three ang eksenang ‘yun na kinunan sa different angles.

Nag-blush si Andre lalo na nang banggitin ni Yassi na ma­lambot ang lips niya at lasang mouthwash. Kaya lang, natusok daw siya ng balbas nito. Sayang at hindi natanong si Andre kung ano naman ang lasa ng labi ni Yassi.

Para kay direk Vanessa, ang lakas ng chemistry, ganda ng story at mga nakakakilig na eksena nina Andre at Yassi ang mga rason kung bakit magugustuhan hindi lang ng YanDre fans ang Girlfriend For Hire.

Sobrang lakas ng chemistry kay Carla Tom dapat nang kabahan kay Gabby

Inaabangan ng sumusubaybay sa Because Of You ang episode this Monday dahil tiyak na may kasunod pa sa eksena last Friday kung saan, tinanggap na ni Andrea (Carla Abellana) ang pag-ibig ni Boss Yummy o Jaime (Gabby Concepcion).

Ang daming kinilig sa episode na ‘yun at may mga sumigaw pa habang nanonood. May humihiling na guma­wa ng pelikula sina Gabby at Carla after Because Of You. Ang Regal Entertainment ang sagot sa request ng fans na movie ng dalawa.

‘Katuwa ang isang nag-comment na dapat kabahan si Tom Rodriguez dahil hindi lang sa kanya may malakas na chemistry si Carla, pati na rin kay Gabby.

Umabot pala ng 66 ang advertisement load ng Because Of You last Friday. Post ni Gabby sa Instagram (IG): “Last night’s episode marked a milestone in our show. In my knowledge, so far, it reached a total of 66 commercials the highest since its pilot telecast ‘BOY’ we are so DELIGHTED.”

Kiray sa apple box nakahanap ng solusyon sa problema nila ni Derek

Pinost ni Roselle Monteverde sa IG na umabot na sa 1 million ang views ng trailer ng Regal Films movie na Love Is Blind. Two weeks ago pa niya pinost ito at siguradong nadagdagan na ang nakapanood sa trailer ng movie na showing sa February 10.

Mabuti at pinayagan ng ABS-CBN si Kiray na mag-guest sa Happy Truck ng Bayan ng TV5 kahapon para magkasama sila ni Derek Ramsay na mag-promote ng pelikula. First promo raw nila together ‘yun ni Derek, sabi ni Kiray.

Aliw si Kiray sa ipinost sa IG ang gimik ng Regal sa pictorial nila ni Derek para hindi magkalayo ang height nila ng aktor. Kita sa picture na tumayo siya sa tinatawag sa showbiz na “apple box” kaya solved ang height problem nila.

 

vuukle comment

ACIRC

ANDRE PARAS

ANG

ANG REGAL ENTERTAINMENT

BECAUSE OF YOU

BOSS YUMMY

CARLA

DEREK

GIRLFRIEND FOR HIRE

KIRAY

YASSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with