^

PSN Showbiz

Valeen bagong pagbabalingan ng atensyon ni Sef?!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ngayong Linggo, ipakikilala na ang hot, young actress at FHM cover girl na si Valeen Montenegro bilang pinaka­ba­gong cast member ng Kapuso hit show na Juan Tamad kung saan gagampanan niya ang role ni Mayumi, ang school mascot na may pag­tingin kay Juan.

“Life is complicated” nga ang drama ni Juan na gina­gampanan ni Sef Cadayona. Sa kanyang hu­ling semester sa kolehiyo, katatawanan pa rin ang tingin kay Juan ng kanyang mga kaklase at kinabibilangang basketball team. Ang nagpapasaya na nga lang kay Juan ay mga pagkakataong nakakasama niya ang kanyang Political Science teacher na si Marie, na ginagampanan ni Max Collins.

Ang hindi alam ni Juan, sinusundan pala ng terror na teacher na si Professor Panindak ang bawat galaw nila ni Marie at kinukunan sila nito ng mga larawan. Magiging sentro ng tsimis sa eskuwelahan ang mga na “huli-cam” moments ng dalawa. Si Marie, manganganib na matanggal sa pagiging teacher samantalang si Juan naman ay mangangambang mapatalsik sa school!

Sa gitna ng kontrobersiya, ang huggable na school mas­cot na si Mayumi ang ma­sa­san­da­lan ni Juan. Lingid sa alam ng marami, sa likod ng mascot na ito ay isang dalagang dadaig pa ang kagandahan sa lahat ng cheerleader.

Mabaling kaya kay Mayumi ang pagtingin ni Juan kapag nagpakita na ito ng kanyang mukha?

Abangan ang episode na ito ng Juan Tamad ma­mayang 4:30 p.m., sa GMA.

vuukle comment

ACIRC

ANG

JUAN

JUAN TAMAD

MAX COLLINS

MAYUMI

NBSP

NGAYONG LINGGO

POLITICAL SCIENCE

PROFESSOR PANINDAK

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with