^

PSN Showbiz

Vice Ganda naglalaan na ng oras para sa ina

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Wala na sigurong mahihiling pa ang Kapa­mil­ya TV host-comedian and concert performer na si Vice Ganda dahil halos nasa kanya na ang lahat pero hindi nito ikinakaila na may mga panahon pa ring nalulungkot siya at na-realize na kulang ang kan­yang panahon lalung-lalo na sa kanyang mahal na ina.

Gaano man ka-busy nga­yon si Vice Ganda ay parati na siyang naglalaan ng panahon na magkaroon ng bonding moment with his mom na naisa­sama at naipapasyal na niya sa ibang bansa tulad nitong nakaraang long Christmas holidays na nadala niya sa Dubai.

Wala na ring dapat patuna­yan pa si Vice Ganda pagda­ting sa kanyang pagiging consistent box office star mapa-pelikula o concert man.

Dominado pa rin ni Vice Ganda ang telebisyon dahil bukod sa kanyang daily noontime show na It’s Showtime, patuloy pa rin ang kanyang late Sunday show naGandang Gabi Vice at tumatayo rin siyang isa sa apat na hurado sa bagong season ng Pilipinas Got Talent. Nanguna rin sa takilya ang kanyang pelikulang Beauty and the Bestie na pinagsamahan nila ni Coco Martin sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) na kumita ng mahigit P500-M. Naka-line-up na rin ang pelikulang pagsasamahan nila ni Daniel Padilla and another major concert sa taong ito.

Mabuhay ang Teatrong Pilipino

Nakatanggap ang inyong lingkod ng e-mail mula sa theater-TV-movie actress na si Pinky Amador na gusto naming bigyan ng puwang sa aming column:

Dearest Friends,

Come and help us celebrate the 83rd birthday of the founder of Repertory Philippines, Ms. Zenaida Amador, my Tita Bebot, with the finale performance of Ken Ludwig’scomedy/thriller The Game’s Afoot on February 7, Sunday at 3:30 p.m. at Ontage at Greenbelt one.

We will be having a tribute to her life’s work after the show, and in the lobby. I am sure she will be smiling from above to see us all raise a glass to her and also be entertained by the riotious performance and thrilling situations in The Game’s Afoot.

You may call 0998-9655313 for tickets or log on to: www.ticketworld.com.ph.

Theatre worldwide is facing great challenges, but in the Philippines, we are actually experience a resurgence. Come and be part of that, and help breathe life, and support live theatre and performance in the Philippines. #Bring­AFriendToTheatre.

Mabuhay ang Teatrong Pilipino!”

May pa-privacy-privacy pang nalalaman Ciara at Kean ibinuko ang mga sarili sa social media

Mukhang sunud-sunud ang break-ups na mang­yayari sa taong ito na sinimulan ng mag-asawang Ciara Sotto at Jojo Oco­ner at ang magka­sintahang Bea Alon­zo at Zanjoe Ma­rudo.

Limang taon pa lamang ang pagsasama bilang mag-asawa nina Cia­ra at Jojo at mag-iisang taon pa lamang ang kanilang anak na si Crixus habang ang relasyon nina Bea at Zanjoe ay tumagal din ng mahigit apat na taon.

Noong isang taon pa dumaranas ng pagsubok ang relasyon nina Bea at Zanjoe na pinilit isalba ng dalawa pero ito’y nauwi rin sa hiwalayan.

Wala namang mag-aakalang mauuwi sa kanilang paghihiwalay ang mag-asawang Ciara at Jojo.

Samantala, ang mag-asawang Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa-Sotto ang nagsabi na bigyan ng privacy ang paghihiwalay ng kanilang bunsong anak at mister nito. Paano mabibig­yan ng privacy ang kanilang paghihiwalay, e si Ciara mismo ang nag-post sa kanyang Instagram account tungkol dito at pagbalik niya sa poder ng kanyang mga magulang kasama ang kanyang anak.

Walang makakaalam sa hiwalayan blues nina Ciara at Jojo kung hindi ito (Ciara) nag-post sa social media.

Ganun din ang stand ng singer-actor na si Kean Cipriano na ayaw mag-share ng tungkol sa kanilang agarang pagpapakasal ni Chynna Ortaleza at napapabalitang pagbubuntis nito ngayon.

Hindi rin malalaman ng publiko ang tungkol sa kanilang pagpapakasal kung hindi rin sila nag-post sa kanilang res­pective social media accounts na nagpakita ng kanilang mga daliri na may nakasuot na identical (wedding) rings.

Dahil na rin sa social media, wala na halos naitatago ang mga celebrities dahil sila na rin mismo ang nagsi-share ng kanilang mga activities at saloobin. Then they seek for privacy? Ano ‘yun?

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

CIARA

LEFT

NBSP

QUOT

RIN

SHY

STRONG

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with