^

PSN Showbiz

Dalawang aktres na magkaribal ang tagahanga, boksingero at karatistang humawak ng datung!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang malaking umpukan ng mga taga-showbiz ay nakakatihan ng tropa na pagkumaparahin sa paghawak ng pananalapi ang dalawang malalaking artistang babae na ipinapalagay pa ngang magkaribal ng kanilang mga tagahanga.

Ang una, si Actress A, ay isa raw karatista. Nakabukas ang kanyang mga palad, mabilis siyang maglabas ng pera, kaya tinatawag siyang karatista.

Ang ikalawa naman, si Actress B, ay isa raw boksingero. Nakakuyom kasi ang kanyang mga palad, hirap na hirap siyang magpalabas ng pera sa kanyang wallet at bulsa, kaya boksingero ang tawag sa kanya.

Kuwento ng isang source sa umpukan, “Wagas kung maglustay ng pera si ____(pangalan ni Actress A). Para sa kanya, e, go lang nang go, bahala na si Batman bukas. Bongga siyang gumastos.

Magpapa-raffle siya nang wagas ngayong gabi, ‘yung halos malunod na sa kasiyahan ang mga taong kasama niya, pero kinabukasan, e, wala na siya kahit panggasolina lang. As in, wala siyang itinitira sa sarili niya, inubos niya ang datung niya sa pagpapasaya sa kapwa niya.

Ganu’n siya kabulagsak sa pera. One day millionaire siya. Bigay siya nang bigay kahit kanino, pero kahit pamalengke pala, e, wala nang naiwan sa kanya,” paglalarawan ng isang miron.

Sabi naman ng pangalawang impormante, “Ibang klase naman si ____(pa­ngalan ni Acrtress B). Sarado ang mga palad niya. Hindi siya palabigay, alam niya kung kailan siya maglalabas at maghihigpit. Kung lustay si Actress A, ito naman si Actress B, magaling humawak ng perang pinaghihirapan niya, sa totoo lang.

Kung napapabalitang purdoy na si Actress A, si Actress B naman, kuring. Pero kay Actress B na ako dahil mahusay siyang magpahalaga sa kinikita niya. ‘Di bale nang kuring, hindi naman palautang.

E, si Actress A, dahil sa pagkabulagsak niya sa datung, kahit sino na lang, e, inuutangan niya. Utangan ba pati make-up artist ng nework na pinagtatrabahuhan niya?” nakataas pa ang kilay na rebelasyon ng ikalawang source.

Ubos!

Bea nadiskubre ang masamang nakaraan ni Zanjoe kaya nilayasan

Wala nang maililihim si Zanjoe Marudo. Wala na rin siyang mapagpipilian kundi ang harapin ang katotohanan na tapos na ang lahat sa kanila ni Bea Alonzo.

Maraming beses na siyang nakikitang umiinom nang sobra sa iba-ibang lugar. Ang problemadong lalaki, nagsusumbong ng sama ng loob sa alak, ‘yun ang ginagawa ng aktor mula nang magkahiwalay na sila ng magandang aktres.

May mga kuwentong umiikot na kontrang-kontra ang pamilya ng aktres sa hunk actor. Mula nang tumira na sa bahay ni Bea ang aktor ay parang nawalan na ng gana sa kanya ang pamilya ng dalaga.

Bakit daw si Zanjoe pa ang tumira kay Bea, ‘di ba’t karaniwan ay ang babae ang iniuuwi ng lalaki, baligtad ang nangyari sa kanila.

Walang katotohanan ang kuwentong si John Lloyd Cruz na ang karelasyon ngayon ni Bea, kung may pagtatangi sila sa isa’t isa, hindi na kailangan pang dumaan ang dekada para makaramdam sila ng kuryente sa pagitan nila.

Pinagpipistahan na ngayon ang mga kuwentong Zanjoe Marudo sa mga umpukang-showbiz. May kinalaman ‘yun sa kanyang nakaraan. Tungkol ‘yun sa mga nakaraan niyang pakikipagrelasyon.

Komento ng isang miron, “Ito naman kasing si Bea, anim na taon ding nagkasipon! Wala siyang naamoy!”

vuukle comment

ACIRC

ACTRESS

ACTRESS A

ACTRESS B

ALIGN

ANG

BEA

LEFT

MGA

NIYA

QUOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with