Focus sa acting, Coleen Garcia nagpaalam na sa ‘It’s Showtime’
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Coleen Garcia na wala na siya sa ABS-CBN noontime show 'It's Showtime."
Sa kaniyang panayam sa "TV Patrol" na umere kagabi, sinabi ni Coleen na pagtutuunan niya ng pansin ang pag-arte.
Aniya malabo na siyang bumalik sa noontime show dahil mismong management na ang nagsabing ang pag-arte ang kailangan niyang hasain.
"I don't know if I'll be returning. I don't think I will be kasi management actually talked to me and they want me to focus on acting," wika ng 23-anyos na aktres.
Sa kasalukuyan ay bahagi si Coleen ng late afternoon drama "Pasion de Amor" kasama sina Ellen Adarna, at Arci Munoz.
Nakatakda ring gumawa ng pelikula si Coleen kasama sina Piolo Pascual at Dawn Zulueta.
Samantala, kabilang na sa It’s Showtime sina Mariel Rodriguez at Amy Perez.
- Latest