^

PSN Showbiz

Pinagpiyestahan tuloy, aktres na kagalang-galang ang imahe, parang gripo kung umihi sa public CR

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang ang kanilang itsura sa personal at rehistro sa harap ng mga camera ang dapat iniingatan ng mga kilalang personalidad. Sa lahat ng kanilang gagawin ay dapat nilang isaisip na para silang mga isda sa aquarium na tinititigan ng publiko ang kanilang mga galaw.

Kapag napalaki ang kanilang subo ng pagkain, ang lalabas na agad ay wala silang table manners, masyadong matakaw. Palaging nakasalang sa pampublikong persepsiyon ang mga kilalang personalidad.

Tulad na lang ng isang magandang aktres na hindi na siguro makapagpigil, pumasok siya sa isang pampublikong CR nang manood siya ng basketball, wala pang mga tao sa loob nang pumasok sila ng kanyang PA.

Kuwento ng source, “Masyado siyang nagtiwala na wala pang mga tao sa CR, kaya dire-diretso siyang dyuminggel na parang wala nang bukas, wagas na wagas, napakalakas ng tunog!

“Ang pagdyinggel niya, e, para bang may malikot na bata siyang sinasaway! Ang lakas-lakas talaga ng pusitsit, parang ‘yun na ang pinakahuling pag-ihi niya.

“Natural, nagbubulungan na ang mga tao sa CR, sino raw ba naman ang umiihing ‘yun na parang hindi na aabutan ng pagsikat ng araw kinabukasan, ang ingay-ingay, akala mo gripong binuksan nang todo ang lagaslas!

“Nu’ng lumabas ang aktres, e, nagulat siya, ang dami-dami na palang nakaabang sa ginamit niyang cubicle, masyado kasi siyang nag-concentrate sa pagdyinggel niya kaya hindi niya napansin ang mga utaw!

“’Yun na! Mas nagulantang ang mga nakakita sa kanya nu’ng lumabas na siya sa cubicle. Mahinhin kasi ang image niya, parang aral na aral ang kanyang mga galaw,” kuwento ng aming impormante.

Pagkalipas nang ilang minuto nang makabalik na sa kanyang upuan ang aktres ay sinabi ng isang announcer, “Oh, a very respectable actress is in the house right now watching the game. Let’s welcome Miss ____(pangalan ng aktres)!”

Halos sabay-sabay na komento ng mga nakarinig sa kanyang pagdyinggel, “Anong respectable, e, ang lakas-lakas nga niyang umihi!”

Ubos!

Maaliwalas na rin ang aura akting ni Cesar hindi pa kinakalawang!

Maraming nakapansin sa maaliwalas na itsura ni Cesar Montano sa presscon ng Bakit Manipis Ang Ulap? na pinagbibidahan nila nina Diether Ocampo at Claudine Barretto. Puro positibo ang mga komentong naririnig namin tungkol sa aktor.

May isang kapwa manunulat pa kaming nagsabi, “Madalas ko siyang nakikita, pero ngayon ko lang siya nakitang ganyan kaguwapo at ka-fresh!”

Ang inaasahan kasi ng marami ay isang mukhang problemadong Cesar ang kanilang makikita. Nasa kasagsagan ang problemang marital nila ngayon ni Sunshine Cruz, kung anu-anong paghusga ang ibinabato laban sa kanya ngayon ng aktres, pero mukhang baligtad ang naging epekto nu’n kay Cesar.

Makinis ang kanyang mukha, maayos ang pangangatawan niya, positibo ang kabuuan ng kanyang itsura. Puwedeng sabihin na siguro’y naka-move-on na siya sa paghihiwalay nila ni Sunshine, pero mas magandang isipin na siguro’y hindi siya naliligalig, dahil wala namang katotohanan ang mga bintang na ipinaaako sa kanya ng aktres.

Sa mga unang eksenang kinunan para sa bagong serye ng aktor na mapapanood na sa TV5 sa pakikipagtulungan ng Viva Entertainment sa February 15 nang gabi ay hangang-hanga sa kanya ang buong production staff.

Sabi ng isang cameraman, “Kung ganyan naman kagaling ang isang aktor na problemado, sana, maging problemado na rin ako habambuhay! Walang kupas si Cesar Montano! Magaling siya, hindi nangalawang!”

Sisimulan namin ang Bakit Manipis Ang Ulap? gabi-gabi, wala kaming palalampasing episode ng serye, pramis!

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAKIT MANIPIS ANG ULAP

CESAR MONTANO

CLAUDINE BARRETTO

DIETHER OCAMPO

HINDI

ISANG

MGA

NANG

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with