^

PSN Showbiz

Anak ni Kris na si Bimby nabagok habang naglilinis ng kusina sa eskuwelahan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Takaw-aksidente ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby. Kahapon ay kinuwento na naman niya sa kanyang Instagram account na nabagok si Bimby sa kanilang eskuwelahan habang naglilinis ng kusina bilang bahagi ng pagtuturo ng eskuwelahan para maging independent ang kanilang mga estudyante. “Bimb was cleaning the kitchen in their school, part of the program to teach independence- the floor was just mopped & very wet & he fell & hit his head hard,” sabi ni Kris sa kanyang Instagram post.

Kaso nasa taping daw si Kris kaya hindi agad niya napuntahan ang anak. Kaya ang sister niyang si Viel Aquino Dee ang agad pumunta ng hospital kung saan nagpa-CT scan agad si Bimby.

“CT Scan is thank God clear. I’m grateful that @mrandmrsfrancisco (Melai Cantiveros and Jayson Francisco) are also parents & understood when I left them in the farm where we were taping so that I can travel back to be w/ Bimb... Ang hirap mag trabahong malayo sa anak. I’m just blessed I can really depend on my siblings when I’m taping far from home, 1 quick call to Viel & she was on her way to be w/ Bimb.”

Maalalang nung nasa Hawaii sila ay nauntog din si Bimby nang ma-out of balance ito.

Panahon na siguro para paglaruin ng basketball ni Kris ang anak para mas tumibay at magkaroon ng balance ang katawan.

Kahit siksik at liglig ang trabaho Nadine mag-o-audition sa Darna!

Kahit siksik, liglig, umaapaw ang commitment nina James Reid and Nadine Lustre, willing mag-audition for Darna si Nadine.

Mismong ang young actress ang nagsabi na kahit anong busy nila dahil bukod sa kanilang JaDine Love sa Araneta Coliseum on February 20, magkakaroon sila ng world tour. “I would pero we have a tour, we have a lot of things coming up so tignan natin. Pero kung sasabihin na mag-audition ako, mag-o-audition talaga ako,” sabi ni Nadine sa ABS-CBN.com.

Maraming naghinala na si Nadine na ang sumigaw ng Darna sa trailer na ipinalalabas sa mga sinehan pero base sa mga sinabi niya, parang hindi pa naman.

Siya rin kasi ang choice ng netizens nang mag-survey ang isang entertainment website. Pumangalawa lang si Liza Soberano at pangatlo si Kathryn Bernardo.

Well, wait natin kung makukuhang Darna si Nadine na kung physical appearance ang usapan, tiyak pasok siya dahil Pinay na Pinay nga naman ang hitsura niya.

Nauna nang sinabi ni Direk Erik Matti na hindi puwede ang tisay sa role like 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Lovi nakipagsabayan sa professional models

Isa sa mga naging modelo sa fashion show gala ni Heart Evangelista at Mark Bumgarner sa Dusit Thani Hotel noong Jan. 18 ng gabi ay si Lovi Poe.

Proud na proud siyempre si Lovi para kay Heart dahil unti-unti nang naabot ng huli ang kanyang mga pangarap bilang visual artist.

“Proud of the woman you’ve become, Love Marie. Another dream come true! You deserve all the beautiful things coming your way,” sey ni Lovi sa caption ng isang picture ni Heart sa kanyang Instagram account.

Kasama sa mga inirampa sa naturang gala ang 40 elegant dresses, kung saan 15 sa mga ito ay hand-painted ni Heart.

Kasama ni Lovi sa mga nagmodelo ng mga design ni Heart at Mark ay sina Gabbi Garcia, Julia Barretto at Bb. Pilipinas-Universe 2013 Ariella Arida.

Malalim na rin ang pinagsamahan ni Lovi at Heart mula nang magkasama sila sa mga movie at TV project.

Pati nga sa pulitika ay magkadugtong ang kanilang buhay dahil si Lovi ay kapatid ni Sen. Grace Poe at asawa naman ni Heart si Sen. Chiz Escudero.

Gabbi hindi halos nakilala sa ganda, Julia nabawasan ang appeal

Sa nasabing fashion show pa rin, hindi namin nakilala ang Kapuso youngstar na si Gabbi Garcia. Ang ganda ng ayos at bagay ang damit na ipinasuot sa kanya ni Mark Bumgarner na pinintahan ni Heart.

Ganun ang bagay kay Gabbi. Naging classy at stunning ang kanyang itsura. Kung ako sa GMA, ang stylist at make up artist na nag-ayos that night sa kanilang alaga ang i-hire for Gabbi.

Si Julia naman ay bakit kaya parang nabawasan ang appeal? Sayang si Julia kasi nakatatak na yata sa kanya ang isyu ng pagpapatanggal niya ng apelyido ng kanyang amang si Dennis Padilla sa kanyang pangalan kaya siguro pag nakikita ‘yun ang naalala kaya parang nawawalan ng gana.

Anyway, successful ang naging Mark Bumgarner x Love Marie Fashion show.

Ang mga model parang ‘di kumakain na binagayan ng mga gawang damit ng dating car racer na isang kilalang fashion designer na ngayon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BIMB

BIMBY

DARNA

GABBI

GABBI GARCIA

LOVI

MARK BUMGARNER

MGA

NADINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with