^

PSN Showbiz

Enrique nganga Liza 30 years old pa pwedeng paligaw

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kapipirma pa lamang ng bagong kontrata nina Liza Soberano at Enrique Gil sa Kapamilya network noong Huwebes.

Nakatakdang magbida ang dalawa sa teleseryeng Dolce Amore na malapit na ring mapanood sa ABS-CBN. “Yes I was the one who started taping in Italy and he started here about last week in Tondo and then I started taping here in Manila,” pagbabahagi ni Liza. “Basically it’s a story, opposite kami ngayon. I portray the more glamorous. Well, I’m the type of person that’s is in search of who I really am because I’ve always had this longing growing up from my mother which I found out that there’s something else that I was looking for all this time. So I went to the Philippines and I met him,” dagdag ng aktres.

Samantala, kamakailan ay nagdiwang ng kanyang ika-18 na kaarawan ang aktres kaya marami ang nag-aabang kung itutuloy na ni Enrique ang panliligaw sa dalaga. “I don’t know, hindi ko pa tinatanong eh. ‘Pag 30 (years old) na raw sabi ni Mr. M (Johnny Manahan),” natatawang pahayag ni Liza. “I just want to say I’m super happy of what we have right now,” makahulugang pagtatapos ng dalaga.

Coco na-enjoy ang pagiging babae!

Marami ang naaliw sa pagganap ni Coco Martin bilang isang babae sa teleseryeng Ang Probinsyano. Kahit nahirapan ay nag-enjoy naman daw ang aktor sa kanyang karakter bilang si Paloma. “Sobrang hirap pero sabi ko nga nakaka-enjoy. Sabi ko nga isa talaga siya sa mga dream role ko, at least nagawa ko na,” bungad ni Coco.

Iba’t ibang reaksyon ang ipinakita ng mga ma­no­nood sa social media tungkol sa pagganap ng aktor bilang si Paloma. “Na­ka­katuwa, ma­sarap sa pakiramdam. Sabi ko nga parang mas marami pang nagandahan sa akin kaysa nagwapuhan,” giit ni Coco.

Samantala, masayang-masaya ang aktor dahil naging matagumpay sa takilya ang pelikulang Beauty and the Bestie sa Metro Manila Film Festival 2015. Posible raw na magkaroon ng sequel ang pelikula nilang ito ni Vice Ganda. “Oo naman, kasi napakalaki ng potential niyan. Marami pa kaming pwedeng ikwento tsaka maganda kasi talaga ‘yung pelikula. So sana magka-part 2,” pahayag ni Coco.

Kamakailan ay napabalitang magtatambal din sa isang pelikula ang aktor at Angel Locsin ngayong taon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG PROBINSYANO

ANGEL LOCSIN

BEAUTY AND THE BESTIE

COCO MARTIN

DOLCE AMORE

ENRIQUE GIL

JOHNNY MANAHAN

LIZA SOBERANO

MARAMI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with