^

PSN Showbiz

Representative ng Beauty… at My Bebe inisnab ang imbestigasyon sa ticket swapping

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Uy, bakit kaya hindi sinipot ng representative ng Beauty and the Bestie and My Bebe Love ang hearing kahapon sa congress kaugnay sa reklamong ticket swapping?

Paano malalaman ang totoo kung walang sisipot sa hearing? Mahirap namang sa social media lang ang mga ganu’ng issue.

Ang congress ang tamang venue para sa kumalat na balita noon. Bakit kaya hindi sinipot ni Direk Joey Reyes ng My Bebe Love?

Samantala, nagbigay na ng statement si Direk Wenn Deramas na no. 1 nga raw sila sa ranking ng mga pelikulang kasali sa natapos na Metro Manila Film Festival (MMFF).

Imbestigahan din kaya sa Kongreso kung sino ang totoong number 1, dahil tameme talaga ang MMFF organizers?

May ganun? Angeline ayaw isuko ang virginity kay Erik

Wala pa ring nangyayari kina Erik Santos and Angeline Quinto na matagal nang nababalitang mag-on. Yup, yup. “Ganun pa rin po. Mahal ko po si Erik kaya lang po, marami akong iniingatan na hindi ko naman pwedeng i-share sa lahat,” sabi ni Angeline kahapon sa presscon para sa concert nilang Royals kasama sina Martin Nievera, Regine Velasquez and Erik.

Ano ang iniingatan niya aber?

“Siyempre, sa panahon ngayon, ‘di ba? Mas mabuti nang ingatan ‘yun. Eh si Erik pa naman ang hilig magbiro na mag-sex kami,” pagtatapat ni Angeline na ikinatawa ng lahat.

Meaning hindi pa sila nagse-sex kahit lagi silang magkasama? Virgin pa kaya siya?

“Never pa po, ‘pag nangyari ‘yun, kailangan, kasal na kami,” mabilis na sagot ni Angeline.

Hanggang sa swimming lang daw sila magkasama pero wala raw talagang nangyayari.

“Eh mas mabuti na po ‘yung safe. Kailangan pa pong magtrabaho ng ano,” pahabol ni Angeline.

Pero para kay Erik biro lang naman pala ang pag-aaya niyang mag-sex sila ni Angeline.

“Pero kung gusto niyang totohananin, why not?” nakatawang sabi ni Erik sabay hirit na hindi naman tama ‘yun dahil baka gayahin ng mga bata.

Katuwiran pa ni Angeline ginagaya lang niya si Regine na aminadong hindi agad isinuko ang ‘Bataan’ sa mister niya ngayong si Ogie Alcasid noon. “Nung malapit nang magsara, saka ko lang ibinigay,” tawa nang tawang sabi ni Regine.

Anyway, magaganap ang kanilang concert sa February 13 sa SM MOA Arena at February 14 sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu.

Oh ayan ha. Baka naman may magduda pa kina Erik at Angeline ha?

Dennis misteryoso pa rin, Solenn balik sa paglalantad ng kalandian

Maraming nagulat sa sinabi ni Solenn Heussaff na hindi pala siya nagpakasal sa Argentina bago mag-New Year na kumalat sa social media.

Nakita kasi sa Instagram accounts ang ilang photos ng nabalitang kasalan nila ni Nico Bolzico (karelasyon niya) sa Argentina. Maging ang nagtahi ng damit niya ay nakita sa social media ang post na umano’y ginamit niyang damit. Pero sinabi ng sexy actress na hindi pa siya misis. 

Ngayon, back to normal si Solenn sa pelikulang Lakbay2Love mula sa Erasto Films opposite Dennis Trillo.

Unang nagkatrabaho ang dalawa sa isang TV commercial at sa huling family drama na Yesterday, Today, Tomorrow kung saan umaatikabo ang kanilang lampungan.

Sa L2L, loaded ng kilig moments sina Dennis at Solenn at tambak ng hugot lines pero nakasentro ang kuwento sa pag-aalaga ng kapaligiran. Kakaiba rin dahil bikers ang role nila kung saan nag-ikot sila sa mga biking spots sa bansa—La Mesa Dam sa Quezon City, Timberland Heights sa San Mateo, Rizal, at Benguet.

Isang forester at biker ang role ni Dennis bilang si Jay-R habang isang videographer si Solenn bilang Lianne na naatasang gumawa ng feature tungkol sa climate change. Nang magtagpo ang landas nila, ibinahagi ni Jay-R kay Lianne ang kaalaman niya sa climate change at biking. Nabuo ang special friendship sa kanilang dalawa at unti-unti nang nakaka-recover sa heartbreak ang dalaga pero nagambala ito sa pagdating ng ex-boyfriend ni Lianne na si Macky (ginagampanan ni Kit Thompson) na matalik na kaibigan ni Jay-R.

“Mahilig talaga akong mag-bike. Ito ang madalas kong ginagawa kapag may free time ako. Kahit marami akong work at merong kasabay na ginagawang movie,” rason ni Dennis. Kaya naman relate na relate siya sa role ni Jay-R na gaya niya ay mahilig sa nature at concerned sa environment.

Para naman kay director Ellen Ongkeko-Marfil, walang ibang aktor na puwedeng lumabas bilang si Jay-R. “He is 100 alpha male. He has no bad angle whatsoever. Dennis exudes mystery.”

Si Solenn naman ay hindi nagpahuli kay Dennis,

Para kay Direk Ellen, may landi man ang dating ni Solenn, nag-aalab naman ang sensuwalidad niya sa screen.

Bale third movie ng award-winning writer, producer, at director ang Lakbay2Love. Una niyang ginawa ang Pusang Gala (Stray Cats) na nagwagi ng Docker’s First Feature Award sa San Francisco Frameline Film Festival. Ang second movie niyang Boses (Voices) ay naging bahagi na rin ng ilang international film festivals at nanalo na rin ng mahigit isang dosenang awards.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELINE

ERIK

HINDI

JAY-R

LIANNE

NAMAN

NIYA

PERO

SOLENN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with