^

PSN Showbiz

Porke nakatrabaho ng misis si Janice John Estrada nanghihingi na ng panibagong anak kay Priscilla!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Takang-taka si Janice de Belen kung bakit big issue sa karamihan ang pagsasama nila ng asawa ng kanyang ex (John Estrada) na si Priscilla Meirelles sa teleseryeng Be My Lady. “Hindi po kami magkaaway, so, parang hindi ko talaga maintindihan kung bakit sobrang big deal sa lahat ng tao that we’re g­oing to work together. Hindi kami magkaaway. There is no reason for us to be e­nemies,” pahayag ni Janice kahapon sa presscon ng Be My Lady na pinagbibidahan ng real life couple na sina Daniel Matsunaga and Erich Gonzales.

Si Priscilla naman ay sobra-sob­ra ang mga papuri sa da­ting misis ng kanyang mister. “Sobra akong na-bless to be able to work with fine actress, I’m so thankful to the Lord and to ABS-CBN and to the whole cast of Be My Lady to trust me, you know for this kind of job because ang tapang nila, eh, to pair me with Ms. Janice,” sabi ni Mrs. Estrada na nabanggit during the interview na gusto na ng kanyang mister na sundan na ang kanilang panganay at boy daw ang request nito.

Ang Be My Lady ang first new show ng Kapamilya Network for 2016.

Isa itong naiibang love story sa pagitan ng dalawang magkaibang puso at lahi na mapapanood simula sa Lunes (Jan. 18).

Kwento ng certified dalagang Pilipina na si Pinang (Erich) at liberated na Brazilian-Japanese na si Phil (Daniel), na gagampanan ng real-life couple at alamin kung paano magkakaintindihan ang kanilang mga puso sa kabila ng pagkakaiba sa salita, paniniwala at kultura.??

Ayon kina Erich and Daniel, nagsilbing bonding ang taping nila ng te­leserye. Hindi rin sila nahirapan dahil comfortable sila sa mga eksena nila.

Maaalala ring naaksidente si Erich sa taping nila rito sa Be My Lady. Pero minor lang naman at siyempre nasa tabi agad niya si Daniel.

Kasama rin sa cast sina Yayo Aguila, Almira Muhlach, Yves Flores, Karen Dematera, MJ Cayabyab, RK Bagatsing, Devon Seron, Karen Reyes, Mike Lloren, Ana Abad Santos, Perry Escano, Marife Necesito, at comedy trio No Direction.??                             

vuukle comment

ACIRC

ALMIRA MUHLACH

ANA ABAD SANTOS

ANG

ANG BE MY LADY

BE MY LADY

BE MY LADY.

BE MY LADY. PERO

DANIEL MATSUNAGA AND ERICH GONZALES

DEVON SERON

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with