^

PSN Showbiz

Nag-iisang anak ni Kuya Germs halos ayaw bumitiw sa pagkakayakap

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nagiging emosyonal ang nag-iisang anak ni German Moreno na si Fe­derico sa tuwing nagkukuwento ito tungkol sa simplicity at generosity ng kanyang ama.

Si Kuya Germs daw kasi ang klase ng tao na sobrang simple. Simple lang ang kanyang mga kaligayahan at kagamitan.

Maligaya na raw ang Papa niya kapag nakikita ni Kuya Germs na may mga tao siya na napapasaya.

Malambing na anak si Federico at naging ugali na niya na yakapin si Kuya Germs kaya nang bawian ito ng buhay, matagal bago siya naawat sa pagyakap sa kanyang ama.

Ang pagiging caring at thoughtful father ni Kuya Germs ang sinabi ni Federico na mami-miss niya.

Tonton balik-Kapuso

Balik-GMA 7 si Tonton Gutierrez dahil mapapanood siya sa That’s My Amboy, ang bagong primetime teleserye ng Kapuso Network na tatampukan ng loveteam nina Andre Paras at Barbie Forteza.

Noong Sabado ang story conference ng That’s My Amboy na dinaluhan ni Tonton at ng ibang cast. Sa January 25 na ang airing ng That’s My Amboy kaya raratsada sa taping si Tonton at ang co-stars niya.

Dahil sa sobrang hagulgol Isko hindi nakausap sa burol ni Kuya Germs

Nagpunta agad si Manila City Vice Mayor Isko Moreno sa unang gabi ng burol ni Kuya Germs sa simbahan ng Our Lady of Mt.Carmel Shrine noong Biyernes.

Hindi na kami nagpang-abot ni Papa Isko dahil nauna siya na umalis.

Nabalitaan ko na lang na hindi na nainterbyu ng mga television reporter si Papa Isko dahil iyak ito nang iyak.

Nahihirapan si Papa Isko na matanggap na wala na ang kanyang mentor nang maging member siya noon ng That’s Entertainment.

Hinding-hindi na malilimutan ni Papa Isko ang kanyang tatay-tatayan na nagpahiram sa kanya ng apelyido kaya naging Moreno ang screen family name niya. Francisco Domagoso ang tunay na pangalan ni Papa Isko na senatorial candidate ng Partido Galing at Puso nina Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero.

Boyet panalo ang costume sa Panday

Si Christopher de Leon ang kontrabida ni Richard Gutierrez sa Ang Panday ng TV5.

Nag-taping na si Boyet para sa mga eksena niya sa Ang Panday at marami ang nagandahan sa kanyang costume na may kabigatan pero bongga ang design.

May mga nagsasabi na nga kay Boyet na hihiramin nila ang kanyang costume sa Ang Panday dahil sure winner ito sa mga Halloween party.

Makikilala na finally... Author ng Lumayo... siguradong sisipot sa premiere

Reminder please, tonight ang red carpet premiere ng Lumayo Ka Nga Sa Akin sa SM Megamall Cinema 9.

Ang Lumayo Ka Nga Sa Akin ang New Year presentation ng Viva Films na producer din ng Beauty and The Bestie na pinipilahan pa rin sa mga sinehan, pati na ang My Bebe Love.

Si Bob Ong ang sumulat ng book version ng Lumayo Ka Nga Sa Akin. Sobrang misteryoso ni Bob Ong dahil hindi siya nagpapakita sa publiko kaya iilan ang nakakaalam sa kanyang itsura.

Tiyak na dadalo si Bob sa premiere ng Lumayo Ka Nga Sa Akin pero hindi na natin malalaman kung sino siya.

vuukle comment

ANDRE PARAS

ANG

ANG PANDAY

BOYET

KANYANG

KUYA GERMS

LUMAYO KA NGA SA AKIN

MY AMBOY

PAPA ISKO

STRONG

TONTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with