^

PSN Showbiz

Edgar Allan gustong mag-ipon kesa magpakaligaya sa lovelife

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May kasintahan ngayon si Edgar Allan Guzman pero kung papipiliin daw ang aktor ay mas pipiliin niya ang career kaysa sa buhay pag-ibig. “Career siguro Tito Boy (Abunda), this time marami akong natutunan sa lahat ng mga nangyari sa akin. Itong career, minsan lamang dumating, na-realize ko ‘yan before parang ‘Uy! Sayang!’ pero this time ayaw ko nang masayang ‘yung binibigay sa akin ni Lord. ‘Yung mga taong nakapaligid sa akin, taong nagmamahal sa akin at gusto lang mas maging maganda ang buhay ko,” paliwanag ni Edgar Allan.

Maganda naman daw ang takbo ng relasyon ng aktor at ng kasintahan sa ngayon kahit marami na rin silang nalampasang mga pagsubok. “Mas okay na. After naman no’n, mas naging okay na, mas naging smooth na. And ngayon talaga ‘yung mind ko and ‘yung focus ko talaga is sa career at sa family,” giit ng binata.

Samantala, si Edgar Allan ang humahawak ng lahat ng kanyang kinikita mula sa pag-aartista at nagpaplano na ring makapagpagawa ng bahay para sa ina. “Kasi no’ng time na nabubuhay ‘yung daddy ko Tito Boy, gusto talaga niya. Sabi niya sa akin na, ‘Pangako ko sa ‘yo ma,’ tawag niya (tatay) sa mommy ko, ‘Bibili ako ng bahay.’ Tapos no’ng namatay siya, biglaan. ‘Yung dream na ‘yon na parang ‘yung mommy ko nawalan ng pag-asa. Tapos no’ng nag-showbiz ako nabuhayan (ng loob). Sabi ko sa kanya, sumikat man ako o hindi, basta magtitiyaga ako para mabigay ‘yung pangarap mong bahay,” pagbabahagi ng aktor.

Pops sanay nang maging single

Wala na raw karelasyon si Pops Fernandez dahil nagkahiwalay na sila ng kasintahan kamakailan. “Recently lang, pero wala na, tama na ‘yon. Actually, matagal-tagal na rin naman kaming nag-break. We were together for quiet a while,” natatawang bungad ni Pops.

Non-showbiz guy ang huling naging kasintahan ng singer-actress at hanggang maaari ay hindi na raw siya muling makikipagrelasyon sa isang artista. “Unang-una, hindi na rin naman ako showbiz ‘di ba? Hindi na rin ako lumalabas so huwag na rin. Kasi parang complicated na nga ‘yung life ko, mas magi­ging complicated pa,” giit ni Pops.

Maganda ang pakikitungo ni Pops ngayon sa da­ting asawa na si Martin Nieverra kaya marami pa rin ang umaasang mga tagahanga na magkakabalikan pa ang dalawa. “Martin and I can be good friends and we can live our lives separately and we’re happy. We’re individually on our own, okay with our lives. Kumbaga nasanay na rin ako sa certain way of life ko na single. Mahirap maging independent. It took me a while to get used to it. Now I’m very used to it because it’s been how many years kaya okay na ako,” paliwanag ni Pops.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

EDGAR ALLAN

KASI

MAGANDA

MARTIN AND I

MARTIN NIEVERRA

NOW I

TITO BOY

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with