^

PSN Showbiz

Andre torpe kaya naunahan pa ni Kobe na magka-GF?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Napakaganda ng girlfriend ni Kobe Paras, ang Fil-Am na si Gabrielle Current.

Naunahan pa ni Kobe ang kanyang nakatatandang kapatid na si Andre Paras na magkaroon ng kasintahan.

Si Kobe ay nag-aaral sa Amerika at isa sa mga promising young Filipino cagers doon.

Marami naman ang nagsasabi na posibleng ma-in love si Andre sa kanyang kapwa Viva artist na si Yassi Pressman na madalas niyang makasama sa pelikula tulad ng Diary ng Pa­nget, Wang Fam at ang soon-to-be released movie na Girlfriend for Hire ng Viva Films.

Nariyan din ang perennial TV partner ni Andre sa bakuran ng GMA na si Barbie Forteza na pagkatapos ng The Half Sisters ay muling makakatambal sa bagong TV series na Amboy.

Proud si Benjie Paras sa dalawa niyang anak dahil bukod sa lumaki ang mga ito na mababait at hindi nagpapabaya sa kanilang pag-aaral, may kani-kanya na rin itong sariling interes.

Speaking of Benjie, matapos siyang mapanood sa horror-co­medy movie na Wang Fam, muli itong mapapanood sa comedy movie na Lumayo Ka Nga Sa Akin na siyang magiging opening salvo ng Viva Films sa taong 2016.

Ara taob sa lovelife ni Cristine

Although nagbigay na si Cristine Reyes, January 27, ng petsa ng kanilang Christian wedding ni Ali Khatibi, hindi naman niya sinabi kung saang beach resort nila ito gagawin.

Kung si Cristine ay ikakasal na sa ama ng kanyang almost one-year-old daughter na si Amarah, nauwi naman sa hiwalayan ang relasyon ng nakatatandang kapatid ni Cristine na si Ara Mina sa ex-boyfriend nito at ama ng kanyang one-year-old daughter na si Amanda Gabrielle na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Isa si Cristine sa mga bida sa triology movie na Lumayo Ka nga sa Akin na tinatampukan din nina Maricel Soriano, QC Mayor Herbert Bautista, Benjie Paras, Candy Pangi­linan, Antoinette Taus at marami pang iba mula sa  magkakahiwalay na idinirek nina Mark Meiley, Andoy Ranay, at Chris Martinez at joint venture ng Viva Films at Heaven’s Best.

Panganay ni dating Viva Hot Babe Jen Rosendahl, pinakaunang celebrity baby ng taon

Ang dating Viva Hot Babe na si Jen Rosendahl ang first celebrity mom na nagsilang ng kanyang baby (a boy named Tyler) na unang supling nila ng kanyang non-showbiz husband na si Jules Chanco.

Baby Tyler was delivered via normal delivery sa Cardinal Santos Hospital noong January 5, 2016  at 9:30 a.m. sa tulong ng kanyang doctor na si Dr. Greg Pastorfide.

Hinding-hindi makakalimutan ng mga kaanak at kaibigan ni Jen ang wedding day nila ni Jules in September 2013 dahil hindi nakadalo ang ama ni Jen nang ito’y maka-confine sa hospital dahil sa sakit na kanser.  Dapat sana’y ang ama ang maghahatid sa altar sa kanyang kaisa-isang anak pero hindi ito nangyari. Ang ginawa ni Jen, dumaan muna siya sa hospital on her way to the church para dalawin ang ama na suot ang kanyang wedding gown.

vuukle comment

ACIRC

ALI KHATIBI

AMANDA GABRIELLE

ANDOY RANAY

ANDRE PARAS

ANG

BENJIE PARAS

CRISTINE

KANYANG

VIVA FILMS

WANG FAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with