^

PSN Showbiz

Nasisira tuloy ang kakisigan kilalang aktor hindi priority ang magpalinis ng mga kuko

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi maingat sa kanyang katawan ang isang kilalang aktor. Wala siyang pakialam sa hygiene. Meron naman siyang kakayahang magpunta sa salon para magpalinis ng kanyang mga kuko pero hindi niya ginagawa.

Kung nagagawa nga niyang mag-bar hopping kapag wala siyang trabaho ay bakit hindi niya rin isingit sa kanyang schedule ang pagpapa-manicure-pedicure?

Madalas, kapag nagse-set visit ang mga reporter ay ang mga kuko sa kamay at paa ng aktor ang napagkukuwentuhan ng grupo kapag paalis na sila sa lugar.

Nagtatanungan ang mga ito kung bakit palaging marumi ang mga kuko ng aktor, samantalang may paraan naman para hindi siya mapintasan, kung ayaw niyang magpunta sa parlor ay puwede naman siyang magpalinis sa kanyang bahay?

Kuwento ng isang source, “Nu’ng minsan nga, para lang hindi siya mapahiya, e, kinausap ng director niya ang kanilang EP. Bago siya isinalang sa eksena, e, pinagupitan muna sa make-up artist ang mga finger nails niya.

“Kitang-kita kasi ang karumihan nu’n sa malalapit na shots, nagyayakapan pa naman sila ng leading lady niya, kitang-kita ang mahahaba at maruruming kuko niya.

“E, hindi ‘yun masabi ni direk dahil pareho silang lalaki, kaya ang EP na lang ang nagsabi sa kanya na magpalinis muna ng kuko,” napapailing na kuwento ng aming source.

Sayang, sabi ng mga miron, guwapo pa naman ang naturang aktor. Pero kahit gaano kakisig ang lalaki ay nababawasan ‘yun kapag wala siyang pakialam sa hygiene.

Huling hirit pa ng aming impormante, “’Yun kaya ang reason kung bakit palagi siyang iniiwan ng karelasyon niya? May kadugyutan ang male personality na ‘yun, kung anu-ano ang ginagawa niya sa mga libre niyang oras, pero ang kuko niya, parang mga kuko ng magsasaka!”

Ubos!

Sa sikip ng sked Alden miss na miss na rin ng mga kaibigan

Lunes nang tanghali, sa kinaaaliwang kalyeserye ng buong bayan, ay may nag-text sa amin. “Pansinin n’yo po si Alden Richards, sobrang antok na antok na.”

Masiglang-masigla ang binata sa mga unang bahagi ng Eat…Bulaga, takbo pa nga siya nang takbo sa entablado, punumpuno ng energy ang Pambansang Bae.

Pero oo nga, nu’ng kalyeserye na ay halatado na ang kanyang kapaguran, kulang na lang na maghikab siya. Kitang-kita ang paglamlam ng kanyang mga mata, nanghihingi na ‘yun ng tulog at pahinga, pinaglalabanan lang ‘yun ni Alden hanggang sa matapos ang programa.

Dikit-dikit ang kanyang kompromiso ngayon, halos araw-araw ay meron siyang trabaho, napakabenta naman kasi ngayon ng ka-loveteam ni Maine Mendoza.

Napakaraming nakikiusap sa amin para makuha ang serbisyo ni Alden para sa mga provincial shows, pero tumatanggi kami, alam kasi naming wala na rin namang maibibigay na schedule ang kanyang handler dahil sa kapunuan na ng kanyang kalendaryo.

Kahit nga siguro ang kanyang pamilya ay nasasabik na sa kanya, kumuha na siya ng halfway house na malapit sa kanyang mga trabaho kaya hindi na siya masyadong nakauuwi sa Sta. Rosa, ano nga ang sabi ni Allan K nu’ng selebrasyon ng kanyang kaarawan sa Eat…Bulaga?

“Alden, kapag maluwag na ang kalendaryo mo, nandito lang kami,” sabi ng komedyante. Kahit sila kasi ay hindi na nakakasama para sa pagba-bonding si Alden, palaging busy sa kakakayod, nami-miss na siya ng kanyang mga Dabarkads.

Totoo ang sinabi sa amin ng isang ehekutibo ng GMA 7, hindi nagbabago ang Pambansang Bae, schedule lang niya ang nagbago.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALLAN K

ANG

BULAGA

HINDI

KANYANG

MGA

NIYA

PAMBANSANG BAE

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with