^

PSN Showbiz

Solenn iiwan na ang showbiz?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Bumalik na ng Pilipinas si Solenn Heussaff matapos magpakasal sa Argentina bago mag-goodbye ang 2015.

Kahit pagod sa biyahe, blooming na blooming si Solenn dahil maligayang-maligaya siya sa bagong chapter ng kanyang buhay.

Wala sa pangarap ni Solenn na maging artista pero sinuwerte siya. Natatandaan ko ang sinabi niya noon na willing siya na iwanan ang showbiz kapag nagpakasal na sila ng kanyang boyfriend. Malalaman natin sa mga susunod na buwan kung mangyayari ang binitiwang-salita ni Solenn bilang kasal na siya kay Nico Bolzico.

Willie nakuha na si Rhian

Si Rhian Ramos ang guest co-host kahapon ni Willie Revillame sa Wowowin.

Nagpapasalamat si Rhian dahil naimbitahan siya na maging co-host ng game show ni Willie na malapit nang mapanood mula Lunes hanggang Sabado.

Noong nagbabu si Willie sa TV5 at nagkita sila ni Rhian, nabanggit niya sa dalaga na isang araw, magkakasama sila sa isang programa.

Nagdilang-anghel si Willie sa sinabi nito kay Rhian dahil ito ang guest co-host niya kahapon. Puwedeng maging regular co-host ng Wowowin si Rhian base sa performance nito kahapon sa top rating game show ni Willie.

Dahil sa rami ng konsumisyon sa paligid comedy mas gusto ng mga Pinoy

Ang Viva Films ang buwena mano sa pagpapatawag ng presscon sa 2016 para sa Lumayo Ka Nga Sa Akin.

Star-studded ang coming soon movie ng Viva Films na matagal nang inaabangan ng fans nina Maricel Soriano at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

May tatlong episode ang Lumayo Ka Nga Sa Akin na tinatampukan din nina Benjie Paras, Candy Pangilinan, Cristine Reyes, at Antoinette Taus.

Confident ang mga bossing ng Viva Films na magugustuhan ng moviegoers ang Lumayo Ka Nga Sa Akin na isang comedy movie. Sa panahon ngayon na hindi nawawalan ng problema ang bansa natin, popular sa mga Pinoy ang mga comedy movie na magpapatawa at magpapasaya kaya nga mas pinanood nila ang mga comedy film na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015.

Kinumpirma ng Metro Manila Film Festival Executive na pinilahan sa box office ang My Bebe Love at Beauty and The Bestie pero hindi sila naglabas ng exact figures para maiwasan ang mga intriga. Sinabi lang ng MMFF Execom na top-grosser, in no particular order, ang My Bebe Love, Beauty and The Bestie, Haunted Mansion, at #WalangForever.

Nabawasan tuloy ng amor ang fans award-winning actress nuknukan na ng sawsawera, tsismosa pa!

Hindi yata busy ang isang award-winning actress dahil wala itong ginawa kundi ang magtanong tungkol sa mga blind item sa Facebook ng mga showbiz reporter.

Tsismosang-tsismosa lang ang peg ng aktres na hindi mapakali hangga’t hindi niya nalalaman ang name ng mga kapwa celebrity na subject ng blind item. Naturingan pa naman siya na sosyal pero nuknukan ng tsismosa.

Hindi lamang tsismosa ang aktres, sawsawera rin siya. Maraming beses nang naging biktima ng bashing ang aktres dahil ang hilig-hilig niya na sumawsaw sa mga showbiz controversy na wala siyang kinalaman. Sa true lang, nabawasan ang paghanga ng fans sa aktres dahil saksakan siya ng sawsawera at tsismosa.

Alden naubos na ang luha sa birthday celebration sa SPS

Simple lang ang birthday celebration kahapon ni Alden Richards sa Sunday Pinasaya dahil wala itong drama.

Pinasalamatan lang ni Alden ang lahat ng mga supporter niya at advertisers na nagtitiwala sa kanya.

Hindi na siya humagulgol ng iyak. Hindi na nagkaroon ng Part 2 ang pag-iyak niya sa Eat Bulaga noong Sabado dahil sa mga birthday surprise na kanyang natanggap.

vuukle comment

ANG

BEAUTY AND THE BESTIE

DAHIL

HINDI

LUMAYO KA NGA SA AKIN

MGA

MY BEBE LOVE

RHIAN

SIYA

SOLENN

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with