^

PSN Showbiz

Marlo hindi masaya sa ‘pang-aagaw’ ni Elmo kay Janella

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sinabi ni Marlo Mortel, ang permanent ka-loveteam ni Janella Salvador bago ito ipinareha sa bagong recruit ng Kapamilya Network na si Elmo Ma­galona, na hindi siya happy sa pagsulpot ng da­ting Kapuso sa bakuran ng ABS-CBN. Feeling kasi niya, eh inaagaw nito si Janella sa kanya. At ipag­lalaban niya ang kapareha.

Of course, Marlo said this in jest. After all, ang ABS-CBN ang kumuha kay Elmo at ito rin ang nagpasya na ipareha ito kay Janella na wala siyang karapatang manghimasok dahil artist din lang siya ng istasyon. He just hopes na hindi maging matagal ang paghihiwalay nila ng kanyang ka-loveteam na sinasabi naman ni Janella ay nag-uugat sa isang malalim na pagkakaibigan. Hindi nanliligaw sa kanya ang binata at never niyang na-feel na may kakaibang damdamin ito sa kanya. Tulad ni Marlo, wish niya ay makapagtrabaho silang muli.

Solenn mababawasan ng milya-milya ang pagiging sexy actress

Mukhang bababa nang milya-milya ang pagiging sexy actresses nina Solenn Heussaff at Anne Curtis. Mas mauuna na siguro si Solenn na maramdaman ito since nagpakasal na siya sa kanyang nobyong Argenti­nian.

Sa bansa ng groom naganap ang kasalan. Susunod na hinuhulaang maglalakad na rin papuntang altar ay si Anne dahil pareho na silang nasa edad ni Erwan Heussaff, kapatid ni Solenn at ilang taon na rin niyang karelasyon.

Ang magpapatuloy sa kanyang kaseksihan at pananatili on top of the list ay si Jennylyn Mercado dahil kahit may anak na siya ay wala pa siyang pinakakasalan.

Hoverboard magastos pag-aralan

Kakatuwa naman itong big hullabaloo tungkol sa hoverboard dahil lamang may isang pari na gumamit nito sa kanyang Misa. Tama lang na parusahan niya ang kanyang sarili dahil walang mas may isip na nagsabi sa kanya na mali ang gagawin o ginawa niya.

Ngayon, nadamay na sa kanya ang napakaraming hoverboar­ders na gustong mag-aral munang sumakay dito bago magpasikat. Katulad din ito ng skateboard at rollerblades na nagbibigay ng panga­nib sa mga sumasakay na walang proper training. Pero kapag naturuan ka, parang naglalakad ka lang. Hindi rin ito katulad ng isang brand ng sasakyan na basta na lang humaharibas ng takbo. Kung mayro’n mang kaso ng sunog o diprensya sa mga unit nito, case-to-case basis ito at hindi in general.

Wala akong kinalaman sa mga kumpanyang gumagawa nito, pero bumili ako ng dalawa nito, katulad din ng ginawa kong pagbili nun ng skates at rollerblades nang mauso ito para panregalo sa mga apo ko at pasalamat ko lang na bago nila nakagamayan ang hoverboard ay nabasagan ako ng isang napakala­king vase at halos yumuko ang isang electric fan ko nang masagasaan nila. Maliit na halaga ito para sa kanilang pag-aaral na mag-hoverboard.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ANNE CURTIS

ELMO MA

ITO

JANELLA

LEFT

QUOT

SOLENN

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with