^

PSN Showbiz

Parang hangin kung tratuhin ang ama Mga anak ng beteranong actor walang utang na loob

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa halip na bumabaw na sa pagdaraan ng panahon ay mukhang mas lumalim pa ang hidwaan ng mga personalidad na magkakadugo. Ang inaasahang pagpapakumbaba ng mga nakababata ay hindi nangyayari, masyadong matataas ang kanilang ihi, samantalang naghihintay lang naman ang taong matagal na nilang hindi man lang kinakausap.

Pahapyaw lang ang alam na dahilan ng marami tungkol sa kanilang hidwaan, ayon sa malapit sa mas nakatatandang personalidad ay walang karapatan ang kanyang mga anak na tratuhin siyang parang hangin lang, sa kahit anong anggulo tingan ay mga anak lang sila.

Kuwento ng isang source, “Ipagpalagay nang may nagawang mali ang tatay nila, e, mga anak lang sila, napakalaki pa rin ng utang na loob na dapat nilang tanawin sa father nila!

“Bakit, magiging tao ba sila nang dahil lang sa mommy nila? Du’n pa lang, e, hindi na dapat ganyan ang mga batang ‘yan!” napapailing na komento ng isang beteranong aktor.

Hindi naman pinipilit ng ama ang panahon. Naghihintay lang siya ng tamang tiyempo. Umaasa ang aktor na isang araw ay magkikita rin sila sa gitna ng katwiran ng kanyang mga anak.

Nakapanghihinayang ang magandang relasyon na pinalalampas ng mga anak ng beteranong aktor. Puro no comment ang kanilang sagot kapag may nagtatanong sa kanila kung nagkikita ba silang mag-aama.

Dagdag na komento pa ng aming impormante, “’Yung galing nila sa pag-arte, nasa dugo na nila ‘yun dahil sa pagiging magaling na aktor ng tatay nila. Namana nila ‘yun.

“’Di nga ba, ang pagiging magaling na aktor, e, nahahasa lang ng mga workshop, pero ang totoo, nang ipanganak sila, e, kakambal na nila ‘yun!” pagtatapos ng nanghihinayang naming source.

Ubos!

Kabi-kabila ang mga sisimulang programa, TV5 bising-busy ngayong 2016!

May malaking sorpresang hatid ang TV5 ngayong 2016 para sa kanilang mga tagasubaybay. Sa pakikipagpareha sa network ng Viva Entertainment ay magiging aktibong muli ang istasyon sa pagbibigay ng magaganda at makabuluhang programa sa ating mga kababayan.

Abala na ngayon ang team ni Direk Mac Alejandre para sa Panday, ang nobela ni Direk Carlo J. Caparas na bibigyan ng bagong timpla at atake ng bumibidang si Richard Gutierrez, sa susunod na buwan na ang pagsisimula nito.

Nakapalantilya na rin ang isang talent search, ang Born To Be A Star na si Ogie Alcasid ang magho-host, kasama rin ng magaling na singer-composer sa nasabing talent search ang magagaling na singers bilang hurado.

Tuloy na tuloy na rin ang proyektong pagsasama-samahan nina Derek Ramsay, Diether Ocampo, at Claudine Barretto. Nu’ng una ay napabalita pang ayaw gawin ni Derek ang Bakit Manipis Ang Ulap kung nandu’n ang aktres pero ngayon ay wala nang sagabal, magsisimula na ang kanilang taping, may bagong timpla ang triangle na ito.

Pahayag ni Melvin Nubla, isa sa mga namamahala sa promosyon ng mga bagong programa ng TV5 at Viva Entertainment, “Masaya ito. Maraming projects na nakaabang para sa mga talents ng TV5 at Viva Entertainment, excited na ang marami.”

Kaabang-abang kung sinu-sinong talents ng Viva ang magiging aktibo sa mga programa ng TV5. Nakatutuwa ring malaman na may mga shows na nakalaan din para sa mga original talents ng TV5 na tulad nina Mark Neumann, Vin Abrenica, Ritz Azul, Shaira Mae, Eula Caballero at marami pang ibang homegrown talents ng Kapatid network.

Buung-buo ang respeto at tiwala ng pamunuan ng TV5 kay Boss Vic del Rosario na wala nang kailangang patunayan pa pagdating sa pagkilatis ng mga proyektong tatangkilikin ng publiko.

 

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

BAKIT MANIPIS ANG ULAP

LANG

LEFT

MGA

NILA

QUOT

STRONG

VIVA ENTERTAINMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with