^

PSN Showbiz

Jennylyn at Lovi, ‘nagbolahan’ sa paseksihan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kabilang si Lovi Poe sa nagandahan sa December-January issue ng FHM na cover si Jennylyn Mercado.

Pinost ni Lovi sa Instagram (IG) ang cover ng men’s magazine at nag-comment ng “@mercadojenny, naman...Mas lalo naman Ako na-guilty sa mga pinagkakakain ko ngayong Pasko!!! I haytchu!!! Congrats Jen on your sexy body and your best actress award.”

Nabasa ni Jennylyn ang comment ni Lovi at sumagot ito ng, “Jusko @poevirginia ayan tayo ihhh...Wala ka ng ipapayat pa! Salamat love you!”

Dalawa sa pinaka-fit na Kapuso stars sina Jennylyn at Lovi at pareho silang tama sa kanilang sinabi na sexy ang bawat isa sa kanila.

Kapag nakita ninyo sila, magtataka kayo kung saan nila dinadala ang kanilang kinakain dahil malakas naman kumain?

Nakita na naming kumain si Jennylyn at kahit katabi nito si Sam Milby that time dahil after ng premiere night ng PreNup, walang keber at maganang kinain ang food na inilagay sa plate ng kanyang PA.

Ganu’n din si Lovi, malakas din itong kumain, pero walang kataba-taba sa katawan. Very slim siya sa personal at 22 in­ches lang yata ang waistline.

Minsan nang nag-cover ng FHM si Lovi, tinatanong siya ng kanyang followers kung kailan muling magko-cover sa men’s ma­gazine, wala pa itong sagot.

Maganda pala ang suggestion ng fans nina Lovi at Jennylyn sa GMA 7 na pagsamahin sila sa isang show. Isang rom-com series daw ang pinaplano ng GMA 7 kay Jennylyn for this year, 2016. Maganda nga kung pagsamahin silang dalawa. Pagalingan sa acting at paseksihan ang magiging labanan.

Pagkakawanggawa ni Liza noong debut umani ng mga puri

Pinuri ni Dra. Vicki Belo si Liza Soberano dahil sa halip na magpa-party sa kanyang 18th birthday, mas pinili pang gamitin ang pera para sa dalawang charity events.

Binisita at pinasaya ni Liza ang Anawim Lay Mission Foundation (para sa matatanda) at Chosen Children Foundation (para sa mga bata).

Na-share ni Liza sa kanyang fans ang experience meeting and celebrating her 18th birthday with the people of the two foundations.

“I had the most wonderful expe­rience these past few days and I wouldn’t ever have it any other way. I’m not really used to partying for my birthday so I thought of giving back to others. Its kind of my little way of saying than you to God for all the blessings i received this year. Thank you to the Chosen Children Foundation for giving me the opportunity to be a part of your family. Most of the kids have special needs here and its just amazing how they are so capable of many things despite their disabilities.”

Anyway, sunod na mapapanood si Liza sa teleserye ng ABS-CBN na Dolce Amore na ang ilang eksena ay kinunan sa Italy.

Kuwento ng manager nitong si Ogie Diaz, nag-aral ng Italian ang aktres para sa role at karakter na kanyang ginampanan.

Pauleen hindi nagpatalo sa impaktang basher

“Soon will deactivate” ang status ng Instagram (IG) ng basher ni Pauleen Luna na walang ginawa kundi i-bash ang aktres at gawan ng isyu.

Malaki ang galit ng basher kay Pauleen at kung anu-anong kababalaghan ang ginawa para siraan at asarin ito.

Nang manalong Miss Universe si Pia Wurtzbach na best friend ni Pauleen, inasar si Pauleen ng basher na naunahan na siyang sumikat ni Pia.

Pinayuhan pa itong lumipat na lang sa ABS-CBN para sumikat siya dahil wala ng plano sa kanya ang GMA 7 na lang siya napapanood.

Ang pinakahuling ginawa ng basher ni Pauleen ay pinalabas na inutusan siya ni Pauleen para palabasing may ticket swapping sa first day ng MMFF.

Pinalabas ng basher na ito na sa My Bebe Love siya manonood, pero tiket ng Beauty and The Bestie ang ibinigay sa kanya.

Pinag-away ng basher ang AlDub fans at fans ni Vice Ganda at talaga namang lumaki ang isyu.

May inilabas pang video sa FB ang basher ni Pauleen na kunwari ay usapan nilang dalawa at binigyan ng ibang meaning ang mga sagot sa kanya ng aktres.

Samantala, live na uli ang Eat...Bulaga simula ngayong Friday at bukas, birthday ni Alden Ri­chards, tiyak na special ang episode. Tapos ilang araw na lang, kasal na nila Pauleen at Vic.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

BASHER

JENNYLYN

LEFT

LOVI

NBSP

PAULEEN

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with