^

PSN Showbiz

Kahit may asawa na, Solenn ‘di pa rin paaawat sa showbiz

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang buong akala ng marami ay mag­babakas­yon lamang sa Argentina ang magkakaibigang Solenn Heussaff, Georgina Wilson, Isabelle Daza, at Anne Curtis.  ‘Yun pala ay para du­malo sa intimate (civil) wedding ng engaged couple na sina Solenn at Nico Bolzico last December 29, 2015.

Ang magnob­yong Anne Curtis at Erwan Heussaff (brother ni Solenn) ay nang­galing pa sa kanilang bakasyon sa Chile bago sila tumuloy ng Argentina para sa naturang kasalan.

The wedding was attended by the res­pective families and close friends nina Solenn at Nico.

Samantala, kahit may asawa na si Solenn ay patuloy pa rin umano ang kanyang showbiz career sa Pilipinas at ito’y suportado ng kanyang mister na si Nico.

Alden at Maine, niluluto na ang sariling pelikula

Dahil sa malaking tagumpay sa takilya ng My Bebe Love #KiligPaMore na siyang debut movie ng magka-loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza, inihahanda na uma­no ang kasu­nod na pelikula ng dalawa na sila na mismo ang mga pangunahing bituin.

Malamang na i-co-produce ng GMA Films at APT Entertainment ang pelikula na balitang nakatakdang ipalabas sa buwan ng Marso.

Janella at Marlo, iniisipan na agad ng kasunod na pelikula

Unang araw ng taong 2016 at patuloy pa ring pinipilahan sa takilya ang mga pelikulang kalahok sa ongoing Metro Manila Film Festival (MMFF) na nagsimula last December 25.

Nagpupukpukan man sa takilya ang My Bebe Love (#Ki­ligPaMore) at Beauty and the Bestie sa Top 2 spots, napaka-impressive ng naging takbo ng No. 3 mo­vie na Haunted Mansion ng Regal Films considering na first movie ito nina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Jerome Ponce na idinirek ni Jun Lana.

Tama ang naging desisyon ni Mother Lily Monteverde at anak nitong si Roselle Monteverde na ipahinga muna ang kanilang franchise ng Shake, Rattle & Roll at bigyan ng kakaibang treatment ang isang horror movie sa pamamagitan ng Haunted Mansion.

Tuwang-tuwa si Janella at siya man ay hindi ma­`ka­pa­niwala na pumapangatlo sa takilya ang kanyang first movie ever.

This is the biggest Christmas gift na natanggap ko,” bulalas ng Oh My G! star.

Since kinagat ng mga manonood ang tambalan sa pelikula nina Janella at Marlo, hindi kaya magbago ang isip ng mga taga-ABS-CBN na ipagpatuloy ang loveteam nina Janella at Marlo?

Ngayong 2016 ay susubukan ng ABS-CBN na ipareha si Janella sa nobyo ni Janine Gutierrez na si Elmo Magalona sa isang bagong teleserye.

Pagdating naman sa pelikula, malamang na big­yan ng Regal Films ng follow-up project sina Janella at Marlo dahil sa malaking tagumpay sa takilya ng kanilang debut movie.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ANNE CURTIS

JANELLA

LEFT

MARLO

QUOT

SHY

SOLENN

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with