^

PSN Showbiz

Kris nakakapagluto sa Hawaii, Anne todo rampa sa disyerto!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang daming celebrities ang bakasyon grande ngayon.

Si Anne Curtis kasama ang boyfriend na si Erwann Heussaff ay nasa Chile.

Ayon kay Anne, ang makita ang Atacama Desert sa Chile ang Christmas gift niya sa sarili ayon sa mga post niya sa kanyang Instagram account.

Maganda naman talaga at mukhang malaki ang gastos sa ganyang mga trip.

Ang pamilya ni Karla Estrada, kasama ang mga anak including Daniel Padilla ay rumarampa sa Japan.

Ang mag-asawang Paul Soriano and Toni Gonzaga with her sister Alex ay nasa New York.

Si Jessy Mendiola at ilang kaibigan ay nasa Bali, Indonesia.

Si Julia Barretto kasama ang inang si Marjorie Barretto at iba pang kapatid ay nasa Amerika. Nagkita sa California sina Julia at Iñigo Pascual base sa picture na ini-upload ni Iñigo sa kanyang social media account.

Si Maine Mendoza ay nasa Japan din kasama ang pamilya.

Nasa Japan din mag-asawang Chiz at Heart Escudero kasama ang kambal ng una.

Si Vice Ganda kasama ang pamilya ay nasa Dubai.

Si Kris Aquino kasama ang anak na sina Bimby at Joshua ay nasa Hawaii.

Si Kris, nakakapagluto para sa mga anak at nakakapag-social media. Habang si Yaya Dub nakakarampa sa Japan na hindi dinudumog ng fans.

Maging si Karla ay nakakapag-shopping tiyak na walang nakamanman. Kilalang shopaholic ang nanay ni Daniel.

Base sa mga picture nilang pino-post sa kanilang Instagram account, nagiging normal ang buhay nila pag nasa abroad.

Happy wedding anniversary Dong/Yan

Ngayong araw, Rizal Day, ang first wedding anniversary ng mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera.

At sa celebration nila ng anniversary, may Baby Letezia pa sila.

Wedding of the Year ang nasabing kasalan na ginanap sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao at ang reception ay sa MOA Arena.

Dumalo pa noon si Pangulong Noynoy Aquino sa simbahan dahil noong panahong ‘yun nababalitang ini-encourage ang actor na kumandidatong senador, pero obviously hindi ito na-convince.

It’s so amazing how fast time flies by na you don’t even realize it.

Sa showbiz pa naman, walang pahinga sa intriga kaya talagang ma-e-enjoy mo ang buong taon na hindi mo namamalayan na new year na pala. Tiyak na masaya ang pasok ng 2016 dahil sa paparating na presidential election.

Hahaha.

Manigong Bagong Taon sa ating lahat. At happy wedding anniversary to the beautiful couple Dong/Yan.

Cheers!                                                                                              

vuukle comment

ANG

ATACAMA DESERT

ATILDE

BABY LETEZIA

DANIEL PADILLA

DINGDONG DANTES AND MARIAN RIVERA

ERWANN HEUSSAFF

HEART ESCUDERO

IMMACULATE CONCEPTION CATHEDRAL

NASA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with