^

PSN Showbiz

Pero MMFF mabilis na idinenay after 41 years, Festival meron daw ticket swapping

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Klinaro na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang isyu ng ticket swapping sa ginaganap na MMFF 2015.

In all fairness kasi, sa 41 years ng MMFF na isinasagawa tuwing Pasko ngayon lang nagkaroon ng umano’y ticket swapping.

Hindi pa yata official ang complaint sa SM management sa umano’y nasabing ticket swapping.

Ang kuwento, meron daw tickets na lumabas dated December 24 sa Twitter na instead umano na My Bebe Love ang panonoorin nila, tickets for Beauty and the Bestie ang napunta sa kanila.

Nag-trending pa ito sa Twitter at pati si Sen. Tito Sotto at maging si Direk Joey Reyes ng My Babe Love ay nagkumpirma sa kanyang Twitter account ng ticket swapping.

Hindi ‘yun siyempre kinagat ng kampo ng Beauty and the Bestie dahil ang panglaban naman nila ay ang mga picture ng mga sold out na monitor ng pelikula nila. Saka bakit daw ang Star Cinema ang pinagbibintangan kung may ganung pangyayari samantalang matagal na raw silang sumasali sa MMFF pero wala namang ganyan?

Matindi ang labanan sa Twitter hindi lang sa box office ng dalawang pelikula na as of press time ay wala pa ring official na inilalabas na kita ang mga pelikulang kasali although walang duda na front runners and My Bebe Love and Beauty and the Bestie at humahabol ang All You Need is Pag-ibig and of course ang Haunted Mansion ay hindi nagpapaiwan. Maging ang Walang Forever ay humahabol din.

Anyway, narito ang official statement ng MMFF tungkol sa isyu at sinabi nilang matapos ang mga nagkalat sa Twitter, sinabi nilang wala itong katotohanan. Heto ang kabuuan ng kanilang statement.

“The Metro Manila Film Festival, after looking in the ticket swapping issue, strongly denies the existence of such and is enjoining all the stakeholders of the Festival to be responsible in expressing their sentiments especially on Social Media. The objective of the MMFF is to promote the local film industry and this baseless issue will only sideline the true intent and purpose of the Festival. Let’s continue supporting all the entries of the MMFF 2015.”

#ChristmasTime #MMFF2015

Bimby pinagsusuot ni Kris ng kanyang favorite color?!

Dapat siguro pagalitan ni Kris Aquino ang stylist ng anak niyang si Bimby.

Hamakin mong pagsuutin ng kulay pink ang anak niyang si Bimby nang mag-guest ito sa Tonight with Boy Abunda last Christmas nang mag-guest silang mag-ina para sa promo ng All You Need is Pag-ibig.

Super cute naman. Pero imagine for an eight-year-old boy, pink ang suot na polo and sweat shirt at white shoes. Anubeeyy?

Hindi man lang pinag-red.

Unless choice rin ni Kris ang nasabing pink polo and sweat shirt na suot ng anak noong Pasko.

Walang masama sa pink kung babae ang anak niya pero kung lalaki, naman. Baka naman puwedeng blue na lang.

Naalala ko ang kuwento noon ni Phillip Salvador na natuto siyang magsuot ng pink dahil kay Kris.

Sana lang hindi pink ang motif ng kuwartong tinutulugan nilang mag-iina.

Mabuti at walang makaka-question sa pagiging ina ni Kris na kinukuwento niya sa kanyang Instagram account kaya siguro pati sa kulay ng suot ng anak niya ay siya na ang namimili. #JustSaying #WorldPeace.

Honor Thy Father hindi isinama sa Best Picture

Confirmed. Hindi kasama sa pinagpi­lian sa Best Picture sa gaganaping Gabi ng Parangal ngayong gabi sa Kia Theater ang Ho­nor Thy Fa­­the­r ni John Lloyd Cruz.

Ayon sa ipinadalang letter ni Atty. Emmerson Carlos, Over All Chairman ng MMFF, sa producer ng pelikula na si Mr. Dondon Monteverde, hindi sa kanila nabanggit na naging opening film ito sa ginanap na Cinema One Filmfest kamakailan na naging dahilan ng disqualifies ito sa said category.

Sayang, Graded A pa naman ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikula, meaning malaki ang posibilidad na maging best picture ang movie. Pero malamang bumawi si John Lloyd sa Best Actor.       

vuukle comment

ACIRC

ALL YOU NEED

ANG

BEAUTY AND THE BESTIE

BEST ACTOR

BEST PICTURE

BIMBY

BOY ABUNDA

HINDI

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with