^

PSN Showbiz

Alvin, Bernadette, at Atom, sasariwain ang pinakamalalaking balita ng 2015

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Babalikan ng tatlong pinagkakatiwalaang mamamahayag ng ABS-CBN ang pinakamalalaking balita ng taon sa espesyal nitong yearend documentary ngayong Linggo (Dec 27), 10:15 ng gabi.

Sa #2015Yearender, susuriin nina Bernadette Sembrano, Alvin Elchico, at Atom Araullo ang mga balitang yumanig sa bansa at mundo, kabilang na ang pagbisita ng Santo Papa, ang engkwentro sa Mamasapano, ang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., at ang Miss Universe 2015 pageant.

Ipapasilip din nila ang mga pangyayari sa likod ng kamera at kung paano inihatid ng mga mamamahayag ng ABS-CBN ang mga istoryang ito sa publiko.

Ano-ano nga ba ang naging epekto ng mga ito sa bansa? At ano ang mga maaaring matutunan mula sa mga ito sa pagharap ng mga Pilipino sa isa na namang bagong taon?

Huwag palampasin ang 2015Yearender, na pangungunahan nina Alvin, Bernadette, at Atom ngayong Linggo (Dec 27), 10:15PM sa ABS-CBN Sunday’s Best.

vuukle comment

ALVIN

ALVIN ELCHICO

ANG

ATOM ARAULLO

BERNADETTE SEMBRANO

FLOYD MAYWEATHER JR.

LINGGO

MGA

MISS UNIVERSE

SANTO PAPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with