^

PSN Showbiz

Kris hindi umubra kay Direk Antoinette!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi ikinahiya ni Kris Aquino na malaman ng lahat na na-take 5 siya sa direktor niya for her Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 movie na All You Need Is Pag-ibig.

Hindi kasi ibig sabihin ay bopol siyang umarte, kundi isang perfectionist ang nakuha para mag-direk ng pelikula niya.

At bawal dito na magdagdag siya ng lines sa script na nakaugalian na niyang gawin sa mga nakaraang movies. At si Kris naman ay magalang sa ipinag-uutos ng direktor.

P-Noy hindi raw dapat sukuan si Pia

Dahil may asawa siyang isang beauty queen (Yedda Marie Kittilstvedt, Bb. Pilipinas International 1994 at mayro’n na silang apat na anak) kung kaya sa pakikipagkwentuhan ni Leyte Congressman Martin Romualdez sa entertainment media ay hiningan siya ng payo para kay P-Noy na hindi raw naging matagumpay ang panliligaw sa dating Bb. Pilipinas-Universe na ngayo’y Miss Universe nang si Pia Wurtzbach.

“Just focus. Try and try. If at first you don’t succeed, try again. Ganun ang ginawa ko sa wife ko na talagang pinaghirapan ko bago ko napasagot,” anang senatoriable na sa proseso ng pakikipag­usap niya sa mga movie writer ay lumalabas ang kanyang matinding malasakit sa kanyang kapwa. Simula pa nung pumasok siya sa pulitika bilang kagawad ng Kabataang Barangay (KB) hanggang ngayong nakakatatlong term na siya bilang kongresista.

Phillip Salvador walang pagkukulang kay Josh?!

Poor, poor Kris Aquino, hindi pa rin pala sapat sa kanya ang mga nagagawa ng ex niyang si James Yap para sa kanilang anak na si Bimby Yap. Ang basketbolista lang kaya ang may pagkukulang sa kanilang anak? Ni minsan ay hindi siya kinaringgan ng reklamo sa ama ng panganay niyang si Josh.

Ibig sabihin ba ay updated ito sa kanyang mga obligasyon sa anak nito sa kanya? Just Asking?

Sen. Grace mahalaga sa yumaong misis ni Albert

Ganun ba kahalaga si Sen. Grace Poe sa namayapang si Liezl Martinez kung kaya nasa banig na ito ng karamdaman at mamatay na lamang ay nagawa pa nitong ihabilin ang kaibigan sa kanyang asawang si Albert Martinez?

Kaya naman pala todo ang suporta ng magaling na aktor sa babaeng pilit idini-disqualify ng kanyang mga kalaban sa tindi ng takot nila sa kanya. Pero mabitin man ang kandidatura ng anak ni Da King patuloy ang suporta sa kanya nina Eddie Garcia, Nora Aunor, Zoren Legaspi, at Joey Marquez.

May dadagdag pa ba? Please stand up and be counted.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ALL YOU NEED IS PAG

ANG

BIMBY YAP

DA KING

EDDIE GARCIA

GANUN

GRACE POE

JAMES YAP

JOEY MARQUEZ

JUST ASKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with