^

PSN Showbiz

ABS-CBN Chief Digital Officer panalo sa TOYM of the Philippines

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinangalanan bilang isa sa mga Ten Outstanding Young Men (TOYM) of the Philippines and Chief Digital Officer ng ABS-CBN Corporation na si Do­nald Patrick Lim kasama ang pagkilala sa kanya ng Direct Marketing News sa kanilang 40 under 40 awards sa Amerika. ??Makakasama ni Lim ang siyam pang Pilipino na napanalunan ang prestihiyosong TOYM award na ipinapamigay ng Junior Chamber International (JCI) Philippines. Layunin ng TOYM na kilalanin ang mga natatanging Pilipino at Pilipina sa pagitan ng edad na 18 hanggang 40 na nagpakita ng ibang klaseng galing at dedikasyon sa kanilang propesyon na nagbunga naman ng positibong kontribusyon sa lipunan.??

Samantala, kinilala rin si Lim, na dalawang taon na sa Kapamilya network, ng Direct Marketing News (DMN) bilang kauna-unahang Pilipinong 40 under 40 awardee nito sa kanilang awards night sa New York, USA. Ang mga nanalo sa naturang award ay kinikilatis sa kanilang mga nagawa sa propesyon, ang kanilang pamamaraan sa marketing at pamumuno, at mga nakaraang award at kontribusyon sa lara­ngan ng marketing.

Ayon sa Editor-In-Chief ng Direct Marketing News na si Ginger Conlon, ang Chief Digital Officer ng Kapamilya network ay kauna-unahang Southeast Asian awardee, bukod sa pagi­ging kauna-unahan sa bansa.

Ang Direct Marketing News bilang isang organisasyon ay nagko-cover ng mga uso, istratehiya para sa tagumpay sa propesyon, at teknolohiya na maaa­ring gamitin ng mga marketer para mapaunlad ang kumpanya nila.

Bukod sa TOYM award na kanyang tatanggapin, kinikilala rin si Lim bilang isa sa mga pundasyon ng digital marketing sa Pilipinas. Nanalo na rin siya bilang Digital Marketer of the Year sa Asian Leadership Awards na ginanap sa Dubai, UAE at handog ng Asian Confederation of Business, ang Young Market Masters Award in Online Marketing ng Mansmith and Fielders, at ng titulo bilang honorary Certified eMarketing Consultant ng eMarketing Standards Board of Australia. Siya rin ang kauna-unahang nanalo nang Digital Leader of the Future award na tinanggap naman sa World Brand Congress sa Mumbai, India.

Sa pamumuno ni Lim sa digital media division ng kumpanya, isa na ang ABS-CBN sa mga top digital media platforms sa bansa at nakapaglunsad na rin sila ng tatlong malalaking proyekto: ang Stellar for Social Media Marketing, ang Chicken Pork Adobo, isang multi-channel network na naglalayong palakasin ang mga Pinoy YouTube content makers, at ang Push Awards na kumikilala sa mga celebrity na nakikipag-halubilo sa kanilang mga fans sa pamamagitan ng digital at social media.

Regine, may anniversary message kay Ogie!

Limang taon nang mag-asawa sina  Regine Velasquez at Ogie Alcasid. At ngayong anniversary nila, nag-post ng sweet message ang Asia’s Songbird para sa minamahal niyang asawa. Kasama ng ilang linya ng kantang Pag-ibig ng Apo Hiking Society, sinabi ni Regine na, “Wala pa ring nabago, Kung meron man...... mas mahal pa kita ngayon kesa noon. Happy anniversary mahal ko, ikaw lang ang pag-ibig kong tunay.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG DIRECT MARKETING NEWS

APO HIKING SOCIETY

ASIAN CONFEDERATION OF BUSINESS

ASIAN LEADERSHIP AWARDS

CHICKEN PORK ADOBO

DIGITAL

DIRECT MARKETING NEWS

MARKETING

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with