^

PSN Showbiz

Baby girl sa showbiz, umuulan!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

May baby girl boom ang mga celebrity moms sa taong ito na sinimulan ni Cristine Reyes na nagsilang ng kanyang first baby na si Amarah courtesy of her fiancé na si Ali Khatibi noong February 8, 2015. Ito’y sinundan ni Empress Schuck who gave birth last September 27 sa first born nila ng nobyong si Vino Guingona. Ang baby ay pinangalanan nilang si Athalia. October 23, 2015 naman isinilang ni Bianca Gonzales-Intal ang panganay nila ng husband niyang cager na si JC Intal, si Baby Lucia. November 23, 2015 naman lumabas ang unang baby ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Maria Letizia o si Baby Zia. Baby girl din ang inaasahang isisilang ni Judy Ann Santos-Agoncillo any day now at may nakahanda na silang pangalan ng husband niyang si Ryan Agoncillo, si Juana Luisa na may palayaw na Luna.

Alden at Maine pinaniniwalaang malalagpasan ang benta ng magazine na cover si Willie Revillame

Ang unang cover ng comedian-turned TV host-producer na si Willie Revillame sa showbiz magazine na YES! Magazine ang may hawak ng may pinakamaraming kopyang nabenta na umabot ng mahigit 300,000 copies. Although hindi pa ito nasu-surpass ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza sa kanilang first magazine cover on YES! Magazine, positibo ang mga taga-YES! Magazine na malapit nang umabot at malagpasan ng AlDub cover ang record na naitala ni Willie Revillame.

Sa sobrang init ngayon nina Alden at Maine, lahat ng mga magazine na sila ang pabalat ay pawang sold-out.

Speaking of Alden at Maine, mahigit 20 product endorsements meron ang dalawa ngayon either magkasama or individually making them the most sought after celebrity endorsers.

Sa loob lamang ng limang buwan ay milyones na ang kinita ng dalawa mula sa kanilang product endorsements.

Annabelle walang paki kung magkano ang kikitain sa kanyang libro

Sobrang proud at sipag ni Annabelle Rama sa pagpu-promote ng kanyang kauna-unahang libro na pinamagatang Day, Hard (Lakas ng Loob, Kapal ng Mukha) published ng ABS-CBN Publishing.

Sa sobrang excitement ni Annabelle, hindi na nito tinanong si G. Ernie Lopez ng ABS-CBN Publishing kung magkano ang kanyang kikitain sa libro dahil agad siyang sumang-ayon. Natawa na lamang si Annabelle nang tanungin siya ng kanyang esposong si Eddie Gutierrez kung magkano ang bayad sa kanya sa pagpa-publish ng kanyang kauna-unahang libro.

Sa halip na pagtuunan ni Annabelle ang kanyang kikitain sa libro ay mas gusto pa niya itong i-promote.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALI KHATIBI

ANG

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

BABY

BABY LUCIA

BABY ZIA

BIANCA GONZALES-INTAL

CRISTINE REYES

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with