^

PSN Showbiz

World class talent talaga Megan natural na natural ang paghu-host sa Miss World 2015 coronation

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Sampung milyon ang bilang ng mga tao na nagtangka na bumili ng tickets para sa U.S. concert tour ni Adele sa 2016.

SCENE: Walang kakaba-kaba si Megan Young nang maging host ito ng Miss World 2015 coronation sa Sanya, China noong Sabado. Pinatunayan ni Megan ang pagiging world-class talent.

SEEN: Hindi na makinang ang bituin ni Aljur Abrenica nang mag-perform ito sa Final Judgment ng Starstruck VI noong Sabado. Kailangan ni Aljur na i-reinvent ang sarili.

SCENE: Sa 2016 na ang airing ng Mr. Wrong, ang episode ng Wattpad Presents ng TV5. Mga bida sa Mr. Wrong sina Diether Ocampo at Sam Pinto na pareho ang kapasidad sa pag-arte.

SEEN: Ang panawagan ni Jonas Gaffud na iboto si Pia Wurtzbach sa live te­lecast ngayong u­maga, 8 a.m. to 11 a.m., ng Miss Universe 2015. Si Jonas ang manager at mentor ni Pia.

SEEN: Sina Alden Richards at Maine Mendoza ang mga celebrity cover ng January 2016 issue ng YES magazine. Sila rin ang cover ng November 2015 edition ng YES.

SCENE: Ang remake ng Tasya Fantasya na mapapanood sa TV5 sa 2016. Si Kris Aquino ang bida sa film version ng Tasya Fantasya noong 1994 at si Yasmien Kurdi ang gumanap na Tasya Fantasya sa television remake ng GMA 7 noong 2008.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

ANG

DIETHER OCAMPO

FINAL JUDGMENT

JONAS GAFFUD

KRIS AQUINO

MR. WRONG

STRONG

TASYA FANTASYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with