^

PSN Showbiz

Alden hindi na makauwi ng bahay!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Napuno ang Greenhills Theater kamakalawa ng hatinggabi na kung saan nagkaroon ng screening ang MMFF 2015 en­try ng Regal Films na The Haun­ted Mansion.

Dapat ay special screening lang iyun para sa mga cast, production staff at movie press, pero nagdagsa­an ang fans nina Janella Salvador, Jerome Ponce at Marlo Mortel para makauna sila nang panonood.

Inaasahang sa unang araw pa lang ng MMFF ay magpipiyesta ang fans ng tatlong bida para suportahan ang naturang pelikula.

PAK: Dahil sa bagyong Onyok, hindi na nakauwi si Alden Richards sa tahanan niya sa Sta. Rosa, Laguna.

Sunud-sunod ang trabaho niya, at nadagdagan pa ng promo ng My Bebe Love na kung saan nag-mall show sila sa Cebu at Davao, kaya alanganin na siyang makauwi gawa ng malakas na ulan kamakalawa ng gabi.

Mabuti nga raw at hindi na siya nakauwi dahil sa hirap nang makaluwas ang mga taga-Laguna kahapon. Kaya tumuluy-tuloy na siya sa Eat Bulaga, at pagkatapos nun sa Final Judgment ng Starstruck 6 kagabi.

BOOM: Nakatsikahan din namin si Aljur Abrenica sa Starstruck 6 kagabi at pinabulaanan niya ang tsismis na magka­sa­ma raw sila ni Louise delos Reyes ng hotel room nung mag-shooting sila ng Hermano Puli.

“Magkasama kami ng tent sa dressing room, pero hindi naman sa hotel,” natata­wang sagot sa amin ni Aljur.

Nagkataon lang daw na magkasama sila nina Louise ng tent, at hiwalay si Enzo Pineda ng dressing room. Pero wala raw intriga ‘yun, at nagkataon lang daw na hiwalay ng tent si Enzo.

“Matagal na kaming okay na tatlo. Nagkausap kami ni Enzo, nag-sorry ako sa kanya, tapos na ‘yung isyu namin,” paha­yag ng Kapuso hunk actor.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ALJUR ABRENICA

ANG

EAT BULAGA

ENZO

ENZO PINEDA

LEFT

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with