^

PSN Showbiz

Pokwang ngayon lang magpa-pasko na hindi tigang

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mas magiging espesyal ang pagdiriwang ni Pokwang ngayong Pasko dahil bukod sa anak na si Mae at pamilya ay kasama rin niya ang kasintahan si Lee O Brian. “Excited, kasi first time kong magpa-Pasko na may lovelife,” bungad ni Pokwang.

Ilang buwan nang naninirahan si Lee sa Pilipinas kaya marami ang nagtatanong kung mananatili na ang foreign actor sa bansa dahil sa komedyana. “Sabi niya for good, tingnan natin pero masaya, excited na kaming pareho. Adventure na naman sa buhay ‘to and natutuwa din ako para sa kanya dahil nakikita ko sobrang enjoy siya dito. Mahal niya ‘yung kultura natin,” pagbabahagi ni Pokwang.

Nananatiling matatag ang relasyon ng magkasintahan kahit abala sa kanya-kanyang trabaho. “Trust, tiwala lang at saka basta ‘pag nakita n’yo lang na suportahan na lang kayo, suportahan, tiwala, gano’n,” giit ng aktres.

Mag-iisang taon nang magkasintahan sina Pokwang at Lee kaya marami na rin ang nagtatanong sa dalawa kung nagbabalak na silang magpakasal. “Praying for that. Siyempre darating tayo diyan,” pagtatapos ni Pokwang.

Matatandaang nalaglag ang ipinagbuntis ng aktres ilang buwan na ang nakalilipas kaya sumusubok daw muling bumuo ng sariling pamilya ang magkasintahan.

Karla pakakasalan na ang non showbiz na karelasyon

Pumutok ang balitang ginagamit diumano ni Karla Estrada ang kasikatan ng anak na si Daniel Padilla para sa sariling kapakanan ng aktres. “Hindi ba mas mahirap kung gamitin mo ang ibang tao? Kung anak ko iyon, wala tayong karapatan sabihing ginagamit ko dahil unang-una ako nagdala no’n ng ilang buwan. So kung ano man ang gusto ko gawin para sa kabutihan niya, ako lang ang may karapatan no’n,” makahulugang pahayag ni Karla.

Madalas na pumupunta rin ang aktres sa mga trabaho ni Daniel kaya nababantayan ni Karla ang anak. “So kung sumunud-sunod man ako sa kanya at lagi niya akong kasama, ina niya ako. Wala na akong magagawa doon at hindi na natin mababago ‘yon,” giit ni Karla.

Samantala, limang taon nang kasintahan ng aktres si Mark Yatco.

Nakikita raw ni Karla na ang lalaki na ang kanyang makakasama at mamahalin habangbuhay kaya napag-uusapan na rin nila ang tungkol sa kasal. “Of course we talk about it. Nasa 40’s na kami eh. Hindi na naman kami mga bata. Pero gano’n pala iyon, mas pinaplano, mas hindi namamadali. Kasi mas alam n’yo na at mas nag-iisip na kayo,” pagtatapat ng aktres.

vuukle comment

ACIRC

AKTRES

ANG

DANIEL PADILLA

ILANG

KARLA

KARLA ESTRADA

LEE O BRIAN

MARK YATCO

PASKO

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with