^

PSN Showbiz

Vic nagpakumbaba para kina Alden at Maine?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nationwide ang 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) kaya may mga mall show sa Cebu, Davao at ibang panig ng Pilipinas ang mga artista na may official entry sa filmfest.

Lagare ang cast ng My Bebe Love #KiligPaMore dahil mula sa kanilang presscon at mall show sa Cebu noong Huwebes, lumipad sila kahapon sa Davao City para i-promote ang pelikula nila.

Kahit nasa Davao sina Alden Richards at Maine Mendoza, narinig via phonepatch ang kanilang mga boses sa kalyeserye ng Eat Bulaga dahil nakipag-tsikahan portion sila sa tatlong lola at napanood ito ng live sa telebisyon.

Sa December 25 pa ang showing sa mga sinehan ng walong pelikula na kasali sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Hindi shocking kung may mga mag-react sa pralala ni Vic Sotto na sina Maine at Alden ang bagong Box Office King & Queen dahil hindi pa nga palabas sa mga sinehan ang My Bebe Love.

How nice of Bossing na sabihin na Box Office King & Queen ang AlDub dahil starring din sila ni AiAi delas Alas sa My Bebe Love at maraming beses nang pinarangalan bilang mga hari at reyna ng box office.

Kung anuman ang maging resulta sa takilya ng My Bebe Love, malaki pa rin ang kontribusyon nina Bossing at AiAi dahil malakas ang hatak nila sa moviegoers.

Midnight screening ng Haunted Mansion bagay sa pelikula

Totoo nga ang balita tungkol sa midnight screening ng Haunted Mansion, ang entry ng Regal Entertainment, Inc. sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Ginanap kagabi ang screening ng horror movie ng Regal Films sa Greenhills Theater. Hindi na kinansela ang midnight screening dahil pinipilahan ang Star Wars movie kaya walang available na sinehan.

Ang Haunted Mansion ang biggest movie break ni Janella Salvador na bidang-bida sa MMFF entry ng film company ni Mother Lily Monteverde.

Aligaga sa pag-picture at video Fans nina James at Nadine halos hindi na umupo sa thank you concert

Successful ang thanksgiving concert ng Jollibee para sa fans ng loveteam nina James Reid at Nadine Lustre.

Ginanap ang thank you concert sa Kia Theatre noong Huwebes ng gabi. Hapon pa lang, nakapila na sa harap ng Kia Theater ang loyal fans ng JaDine na may mga bitbit na poster ng kanilang mga idol.

Maligaya ang fans dahil hindi sila naghintay nang matagal. Seven p.m. ang imbitasyon at nagsimula ang show ng eksaktong 7 p.m.

Umuwing masaya ang JaDine fans dahil nasilayan nila nang malapitan sina James at Nadine. Hindi na sila umupo habang nagaganap ang concert dahil naging aligaga ang fans sa pagkuha ng litrato at pag-video ng mga pangyayari.

Ang concert ng JaDine sa Araneta Coliseum sa February 2016 ang inaabangan ng fans, pagkatapos ng treat sa kanila ng Jollibee. Nag-uumpisa na sila na mag-ipon ng pambili ng tickets dahil may bayad ang post-Valentine concert nina James at Nadine.

vuukle comment

ALIGN

ANG

BOX OFFICE KING

DAHIL

HAUNTED MANSION

LEFT

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MGA

MY BEBE LOVE

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with