^

PSN Showbiz

Mister natuto tuloy magtago ng para sa sarili, Female personality grabe sa pagkahidhid!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang basta makuwento, makuwenta rin pala ang isang kilalang female personality, kaya natututong magtago ng pera ang kanyang mister.

Tama, masyado siyang kuripot, kung puwede lang niyang idaan na lang sa puro ex-deal ang pangkabuhayan showcase nila ay matagal na niyang ginawa ‘yun.

Bulong ng isang source, “Hindi siya kuripot, hidhid siya. Lahat ng puwede niyang kunin nang libre, hahakutin niya. Ilang shop na ba ang umaangal sa pakikipag-ex-deal sa babaeng ‘yun?

“Van talaga ang dala-dala niya, hakot kung hakot ang ginagawa niya, napakagaling niyang kumuda, maganda ang sales talk niya, kaya marami siyang napapaniwala,” kuwento ng impormante.

Dahil sa kanyang kakuriputan at mapagkuwenta ay may naisipan ang kanyang mister. Kailangang magtago ito kahit paano para sa mga gusto nitong bilhin.

“Kapag may mga binibili ang husband niya, ang drama ng guy, e, regalo lang sa kanya ‘yun, bigay ng mga kaibigan, tinatanggalan niya ng presyo ang mga stuff na iniuuwi niya. Para safe nga naman siya sa pambubusisi ng kuripot niyang misis!

“Kundi niya naman kasi gagawin ang pagtatago para sa sarili niya, e, mawawalan na siya ng buhay. Trabaho siya nang trabaho, wala man lang siyang nabibili para sa sarili niya?

“Super-makuwenta kasi ang wife niya, kung puwede lang na mabuhay na sila sa puro libre, ganu’n mismo ang gagawin ng babaeng ‘yun. Grabe siya, napakahidhid niya talaga!” madiin pang dagdag ng aming source.

Kilalang-kilala ang female personality sa pagiging faney (read: fan, tagahanga) ng mga sikat na artista. Mababaw ang kaligayahan niya.

Ubos!

TV5 nagpapa-audition para sa talent search

Bukod sa Panday at Tasya Fantasya, dalawa lang sa mga obra ni Direk Carlo J. Caparas na mapapanood sa TV5 sa pagbubukas ng susunod na taon, ay may isa pang programa ang network sa pakikipagtulungan ng Viva Entertainment na siguradong magiging kaabang-abang.

Isang talent search ‘yun, ang Born To Be A Star, na ngayon pa lang ay nagpapa-audition na sa iba’t ibang lugar sa buong bansa para sa mga magiging kalahok.

Bukas ang pintuan ng programa para sa mga kababayan nating may talento sa iba’t ibang larangan lalo na sa pagkanta. Totoo nga naman, saan ba nanggaling ang mga sikat na sikat nang singers ngayon na sina Regine Velasquez, Sarah Geronimo, Erik Santos, Mark Bautista at marami pang iba?

Maraming magaganap na pagbabago sa TV5 sa susunod na taon, sa pakikipagpareha ng istasyon sa Viva Entertainment, siguradong ang manonood ang mabibiyayaan ng mga bagong programa ng network.

Kuwento ng isang kasamahan namin sa istasyon, “Sa Panday pa lang, panalo na! Si Richard Gutierrez ang bagong Panday, babantay talaga sa taping-shooting si Direk Carlo, si Direk Mac Alejandre ang kapitan ng barko.”

Ramdam na namin ang nalalapit na pagiging abala ng network, hindi na maitatago ‘yun, ngayon pa lang ay ipinalilinis na ng mga ehekutibo ang dalawang palapag ng gusali sa Reliance na magiging opisina ng production staff.

At maraming bagong mukha kaming nakikita sa Reliance, magiging bahagi sila ng pagti-teamwork ng TV5 at Viva Entertainment, marami na namang kasamahan sa industriya ng telebisyon na mabibigyan ng trabaho.

Mas maraming pamimilian ay mas maganda. Bukas naman ang telebisyon para sa lahat. Tayo ang may hawak ng remote control para masunod ang kung ano ang gusto nating tutukan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BORN TO BE A STAR

BUKAS

LANG

MGA

NBSP

NIYA

PANDAY

PARA

VIVA ENTERTAINMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with