^

PSN Showbiz

300 ang kumpirmadong guest Vic at Pauleen nagsa-shopping sa HK ng mga susuutin sa kasal

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mamayang gabi na ia-announce ang Final Four ng Starstruck 6 at sa December 19 na ang Final Judgment kung saan pipiliin ang Ultimate Male and Female Survivor.

Si Jennylyn Mercado na isa sa mga judge ang pinaka-excited dahil hanggang ngayon ay nahirapan pa rin daw siyang pumili kung sino ang Final Four niya.

Pero sa mga female finalist, meron na raw siyang napili dahil parang nakikita niya ang sarili nung sumali pa lang siya sa Starstruck 1.

“Nakikita ko ‘yung sarili ko sa kanya. Kasi binibigyan kami ng isang buong linggong material, so pinapanood namin ng deretso, at off-cam nagtatanong ako, nag-imbestiga kami. Kaya parang nakikita ko ‘yung sarili ko sa kanya,” pahayag ni Jennylyn sa presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang #WalangForever.

PAK: Matindi pala ang tampo ng TV host sa isa sa mga staff niya na halos kasabay niyang mag-birthday.

Nung nag-celebrate ang TV host kamakailan lang, dedma talaga siya sa isang staff na kasabay niyang mag-birthday at sinabihan pa niya ang ilang staff na huwag batiin ito dahil masama raw talaga ang loob niya.

Parang bata lang magtampo ang TV host na inaayunan na lang ng mga staff dahil matagal na itong ganito mag-emote.

Pero happy birthday na rin sa TV host kahit tampu-tampo ka pa rin hanggang ngayon!

BOOM: Kahapon ay magkasamang umalis patungong Hong Kong sina Vic Sotto at Pauleen Luna. Hindi kami sinagot ni Pauleen kung shopping galore ba sila roon ni Bossing.           

Narinig kasi naming doon daw siya bibili ng shoes na isusuot niya sa wedding, pero ‘di kami sinagot ng Eat Bulaga co-host kung true nga ito.

Pagdating sa ilang detalye sa kanilang nalalapit na kasal ay quiet na si Pauleen. Sabi naman ni Bossing nang makapanayam ni Kuya Ricky Lo para sa CelebriTV, hindi raw nila itatago, pero gusto sana nilang magkaroon pa rin ng privacy.

Tatlong daan na ang confirmed guests nila kaya sana ma-control daw ito nang maayos.

Dagdag pang tsika ni Bossing Vic sa presscon ng MMFF entry nila ni AiAi delas Alas na My Bebe Love #KiligPaMore, hindi pa raw niya masasabi ang buong detalye sa ngayon dahil lahat daw ay ihahayag sa Eat Bulaga.

Aniya; “Ako naman gusto namin ‘yung solemn na seremonya. Simple, hindi grandioso, wala masyado funfare. Kumbaga, it’s more of family and friends.

“I don’t call it exclusive. It’s more private, para solemn ang seremonya.

“Hindi naman namin itatago o ipagkakait sa ating mga Dabarkads, dahil isi-share namin lahat at the right time.

“Basta lahat na announcement, lahat na pangyayari, makikita nila sa Eat Bulaga.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

BOSSING VIC

EAT BULAGA

FINAL FOUR

FINAL JUDGMENT

HONG KONG

JENNYLYN MERCADO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NBSP

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with