^

PSN Showbiz

Vhong hindi raw tumanggap ng pera sa ginawang political ad

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Isa si Vhong Navarro sa napakaraming artista na kasama sa political ad ng Presidential candidate na si Mar Roxas. May bulung-bulungan na anim na milyong piso diumano ang tinanggap ni Vhong para rito. “Wala po akong bayad do’n. Medyo mahaba-haba pa pong proseso ‘yan eh. Hindi pa po namin napag-uusapan ni Direk Chito (Roño, manager ni Vhong) kung ano ‘yung talagang… pero wala po akong perang tinatanggap. Basta po may mga bagay pa pong kailangan naming ayusin. Nililinaw ko lang po, wala po akong perang tinatanggap,” paglilinaw ni Vhong.

Samantala, hindi raw alam ng aktor ang tungkol sa napabalitang mawawala na diumano ang kanilang noon time show na It’s Showtime at hanggang February na lamang daw ito. “Sa amin, wala naman pong sinabing gano’n. Kami po kasi, pumapasok po kami para magpasaya ng tao. Ibinibigay lang po namin kung ano po ‘yung kailangan sa amin ng mga solid Showtimers o kung ano ‘yung gusto ng mga nanonood sa bahay na walang ginagawa. Ibinibigay lang po namin ‘yung best namin. Sumusunod lang po kami sa kung ano’ng ipinapagawa sa amin. Do’n sa sinasabi nila na hanggang February na lang kami, ako po hindi ko pa po naririnig. Honestly, hindi ko pa po alam,” paliwanag ni Vhong.

“Kung sakali, naku, huwag naman po. Kasi ang tagal na rin po eh, seven years na po. Willing naman po kami kahit ano’ng ipagawa nila o para madagdagan o kung mare-reformat. Sa kung magre-reformat, nando’n pa rin ako. Kasi ‘yon ‘yung strength naming mga hosts eh. ‘Yung magkakasama kami,” dagdag pa niya.

Sofia napipilitang mag-diet

Ngayong malapit nang magtapos ang taon ay masasabi raw ni Sofia Andres na ang teleseryeng Forevermore ang pinakamalaking proyekto na kanyang nagawa para sa 2015. “Siyempre doon ako nabigyan ng break and dahil do’n I’ll be having a teleserye next year. So I am very excited for 2016,” bungad ni Sofia.

Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng aktres ang kanyang bagong gagawing serye. “Actually I’m trying to be thinner because the role is really challenging like very party girl, kailangan fit, kailangan party girl. So it is really hard for me to go on a diet kasi mahilig naman talaga ako kumain,” pagbabahagi ni Sofia.

Isa si Diego Loyzaga sa bagong makakatambal ng dalaga sa proyekto. “Two boys and ‘yung isa si Diego Loyzaga. Ang bait niya sobra. Very supportive and focused sa work niya,” paglalarawan ng aktres.

Marami-rami na ring nagawang proyekto si Sofia pero madalas pa rin siyang nagwo-workshop sa tuwing may bagong gagawin. “Ako, hindi pa nagsi-sink in sa akin na actress na ba ako, like ‘di ba parang after that Forevermore I do workshops. I research kahit simpleng bagay lang. I do that kaya lang ‘pag kaeksena mo na ‘yung mga bigating artista, it’s really hard to adjust. I still go to workshops,” pagtatapos ng aktres.

vuukle comment

ACIRC

ACTUALLY I

ANG

DIEGO LOYZAGA

DIREK CHITO

FOREVERMORE I

IBINIBIGAY

ISA

KASI

VHONG

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with