^

PSN Showbiz

Kahit binawalan na Derek at Maja hindi marunong magtago ng sikreto!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Napansin ng DenJen fans na in-unfollow nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang isa’t isa sa Instagram (IG), kaya wish ng mga ito na promo lang ito ng Walang Forever na pinagbibidahan nina Jennylyn at Jericho Rosales. Kung may conflict man daw, sana maayos dahil malapit na ang Pasko.

Samantala, hindi lang pala sina Derek Ramsay at Maja Salvador ang may cameo sa Walang Forever dahil may five pairs pang guest na wish ng mga producer at ni director Dan Villegas ay hindi mag-leak at manatiling sorpresa.

Pasaway lang sina Derek at Maja dahil kahit bawal, pinost pa rin ang BTS ng shooting nilang dalawa na ikinagulat daw ng director. Nakalimutang sabihin sa dalawa na ‘wag silang mag-i-spoiler, kaya ang apat pang may cameo ay pinagbilinan na ‘wag magpo-post ng picture nila sa shooting. 

Hindi lang ang movie ang aabangan ng manonood dahil may Original Sound Track o OST ang Walang Forever na tatampukan ng songs nina Rey Valera, Gary Granada, Yano at iba pang singers.

Gabby hindi pabaya sa kanyang serye 

Nasa London pala si Gabby Concepcion para sa shows na naka-line up this year na nabanggit niya sa presscon ng Because of You. Kaya advance ang taping ng mga eksena ng actor sa primetime soap ng GMA 7 dahil nauna niyang commitment ang shows sa abroad.

Sa nakita namin sa IG, nasa London si Gabby ngayon at ikatutuwa ng production staff ng Because of You na sa lahat ng pino-post nitong pictures, laging kasama ang hashtag na #becauseofyou.

Blessing kay Gabby ang Because of You dahil may sisimulan siyang teleserye bago magtapos ang taon. 

Ang maganda pa, bagay sa kanya ang role ng businessman na si Jaime Salcedo at may chemistry ang love team nila ni Carla Abellana. 

Blind item ni Alex sobrang pamigay

May feeling ang press people na ‘yung blind item ni Alex Gonzaga sa presscon ng Buy Now, Die Later na nagustuhan niyang hindi masyadong maporma ay si Kean Cipriano. Hindi nagbanggit ng name si Alex, pero si Kean agad ang naisip ng mga kausap na reporter ng dalaga.

Ang natatandaan ng press, hindi inamin nina Alex at Kean na naging sila, pero sa binanggit ng una sa interview, parang kinumpirma na nagustuhan niya ang singer-actor.

Isang Chinese guy na nakatira sa Forbes Park ang nali-link ngayon kay Alex, pero dahil non-showbiz, ayaw niya itong masyadong pag-u­sa­pan. Ang sabi lang nito, nasa “dating stage” pa lang sila. Tingnan nga natin kung aamin si Alex ‘pag formal na ang re­las­yon nila ng Chinese guy.

Anyway, isa si Alex sa cast ng sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at dark horse ang tingin ng press sa movie. Baka magbigay ito ng big surprise sa box-office at sa awards. Ang 27-year-old na si Randolph Longjas ang director nito at ang 25-year-old na si Allan Habon ang writer.

Fans ni Kean ayaw kay Chynna para sa idolo

Samantala, ang na-blind item ni Alex Gonzaga na si Kean Cipriano ay masaya ang love life sa pi­ling ng GF nitong si Chynna Ortaleza. Marami ang kinilig sa poem na sinulat ni Kean para sa birthday ni Chynna na pinost sa IG.

May kasamang black and white picture nila ni Chynna ang poem ni Kean: “She is the meaning of life. She makes the world go round. She wipes away all those tears. She smiles and I go crazy. She ins­pires me in every single way. She listens to every chord, every word. She keeps me calm. She is my peace. She’s got the face i call home. She is the most beautiful human being. She is the heart that keeps me alive. She is my Sanctuary. She makes me closer to Him. She is God’s beautiful work of art. She is everything.

“Happy birthday to the love of my life @chynsortaleza! She deserves all the great things in this world.”

May fans din ni Kean na nagseselos kay Chynna dahil bakit daw ito ang minahal niya sa rami ng na-link dito. May ayaw at nag-i-insist pa rin na mas bagay sina Kean at Alex. Mayroon ding hindi alam na matagal nang break sina Chynna at Railey Valeroso. Pero ang importante, masaya sina Kean at Chynna.

Kundi kami nagkakamali, sa isang episode ng Wa­gas nagsama sina Kean at Chynna at doon nila mas nakilala ang isa’t isa hanggang sa maging sila.

 

vuukle comment

ACIRC

ALEX

ALEX GONZAGA

ANG

BECAUSE OF YOU

CHYNNA

DAHIL

HINDI

KEAN

NBSP

WALANG FOREVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with