^

PSN Showbiz

P-Noy parang reporter, ibina-blind item ang mga kalaban!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Showbiz reporter ang peg ni P-Noy sa kanyang mga blind item tungkol sa mga kakandidatong presidente ng bansa na hindi karapat-dapat na manalo nang magsalita siya sa Filipino community sa Italy.

SCENE: Top 5 finalists ng Your Face Sounds Familiar sina Denise Laurel, KZ Tandingan, Kean Cipriano, Sam Concepcion, at Michael Pangilinan.

SEEN: Parang mga film pirate ang mga artista na may official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil inuunahan nila ang mga producer sa paglalabas ng teaser ng kanilang mga pelikula sa social media.

SCENE: Naging emosyonal si Angelica Yap aka Pastillas Girl sa eulogy para sa kanyang pinatay na ina na inilibing sa La Loma Cemetery noong Linggo.

SEEN: Julia at Talia Concio ang pangalan ng mga apo ni ABS-CBN President Charo Santos-Concio na introducing sa All You Need Is Pag-Ibig, ang official entry ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival.

SCENE: Nagmana sa kanilang lola sina Julia at Talia Concio dahil komportable sila na umarte sa harap ng movie camera.

SEEN: Best Christmas gift para kay Angelia Ong ang Miss Earth 2015 crown na napanalunan niya sa Vienna, Austria kaya walang puwedeng magbintang na “hometown decision” ang kanyang tagumpay tulad ng pang-iintriga kay Jamie Herrell ng Pilipinas, ang Miss Earth winner noong 2014.

SCENE: Ang life story ng transwoman at 2015 Miss International Queen Trixie Maristela ang mapapanood ngayong hapon sa Tunay Na Buhay ng GMA 7.

 

vuukle comment

ALL YOU NEED IS PAG-IBIG

ANG

ANGELIA ONG

ANGELICA YAP

BEST CHRISTMAS

CHARO SANTOS-CONCIO

DENISE LAUREL

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MISS EARTH

NBSP

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with