^

PSN Showbiz

Maricel nakakapanibago ang parang manas na mukha!, Make-up artist at lighting director mahusay, Maine super ganda sa bagong TVC

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Isang dating karelasyon ang main suspect sa pagpaslang kay Theresa Hernandez, ang ina ni Angelica Yap aka Pastillas Girl. Iniimbestigahan na ng mga pulis ang suspect.

SCENE: Tactless ang mga gay host sa Thanksgiving party nina Mar Roxas at Korina Sanchez para sa entertainment press. Nang manalo sa raffle draw ang isang former entertainment editor, sinabi ng mga baklang host na columnist na lang ngayon ang ex-female editor. 

Dapat inisip ng mga balahurang host ang kanilang mararamdaman kung sinabihan sila na mga stand-up comedian lamang sa mga comedy bar.

SEEN: Ang pahayag ni Atty. Lorna Kapunan na bilib siya kay Mar Roxas bilang tao pero hindi bilang opisyal ng pamahalaan. Hindi gusto ni Kapunan ang campaign slogan ni Roxas na Ituloy ang Asenso dahil ang mga problema sa trapiko at MRT ang umasenso, hindi ang Pilipinas.

SCENE: Starring si Maricel Soriano sa music video na gagamitin sa kampanya ni Mar Roxas. Nakakapanibago ang tila swollen face ni Maricel sa music video ng Fast Forward.

SEEN: Sina Enrique Gil at Sam Concepcion ang mga Kapamilya na pinarangalan at binigyan ng bituin sa Walk of Fame Eastwood noong December 1.

SCENE: Magandang-maganda si Maine Mendoza sa kanyang shampoo endorsement. Mahusay ang make-up artist ni Maine at magaling ang lighting director ng television commercial niya. Hindi masyadong makinis ang mukha ni Yaya Dub sa personal.

vuukle comment

ANG

ANGELICA YAP

ENRIQUE GIL

FAST FORWARD

KORINA SANCHEZ

LORNA KAPUNAN

MAINE MENDOZA

MAR ROXAS

MARICEL SORIANO

MGA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with